WATCH| Nakunan ng Video ang Isang foreigner na biglang tumalon at tumakbo sa riles MRT tren nang walang Saplot sa katawan


Isang dayuhan ang biglang lumukso't tumakbo sa riles ng tren nang walang saplot sa katawan sa Lungsod ng Mandaluyong habang iniinspeksyon ng mga kawani ngayong umaga.

Sa salaysay ng MRT-3 officer-in-charge general manager Assistant Secretary Eymard Eje, Huwebes,  5:35 a.m. nang biglang magtanggal ng damit ang lalaking dayuhan habang chine-check ng security personnel sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) Boni Ave. Station.

"He suddenly removed his clothes, then ran and jumped towards the tracks heading Shaw Boulevard station," paliwanag ni MRT-3 officer-in-charge general manager Assistant Secretary Eymar Eje kanina sa isang pahayag.

"Four station security personnel in Boni chased the said passenger and alerted security personnel at Shaw Boulevard station."

Bandang 5:42 a.m. nang mahuli ang naturang pasahero na siyang ibinalik naman sa Boni station para sa karagdagang imbestigasyon.

Hindi pa naman kinukumpirma ni MRT-3 director Michael Capati kung may mental illness (sakit sa pag-iisip) ang lalaki o kung sadyang exhibitionist lang.

"The individual was endorsed to the Mandaluyong Police Station for investigation and disposal. A case of alarms and scandal will be filed against the passenger," dagdag pa ni Eje. May parusang kulong ng hanggang 30 araw o multa ang kasong ito.

Maglalabas pa naman ng karagdagang detalye ang Department of Transportation-MRT-3 ng karagdagang detalye patungkol sa balitang ito.

Hindi katulad ng mga naunang Enhanced Community Quarantine (ECQ) laban sa COVID-19, pinapayagan ang limitadong operasyon ng LRT-1, LRT-2, MRT-3 at Philippine National Railyways, sampu ng iba pang mga pampublikong transportasyon.


WATCH| Nakunan ng Video ang Isang foreigner na biglang tumalon at tumakbo sa riles MRT tren nang walang Saplot sa katawan WATCH| Nakunan ng Video ang Isang foreigner na biglang tumalon at tumakbo sa riles MRT tren nang walang Saplot sa katawan Reviewed by Pinoy Trends on August 12, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.