Proud Pa? Isko Moreno sa pagkalat ng kanyang mga rated SPG na larawan noong kabataan niya: “Hindi ko kinakahiya ‘yon”


Ilang araw matapos punahin diumano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang nakaraan ay nagsalita na ang alkalde ng Maynila na si Isko Moreno.

Sa panayam sa kanya ng PUSH ay sinabi niya na hindi niya ikinahiya ang kanyang mga ginawa noong siya’y artista pa lamang.

Ayon sa kanya ay isa siyang artista kaya naman normal lang talaga na magpak-daring siya.

“Meron akong ups and downs, mga challenges. It was made public. It’s an open book. I’m not ashamed of that,”

“Makikita ninyo yung buong katawan ko except yung harapan ko. Eh, ano naman ngayon? Artista ako, eh, at wala akong nakikitang masama sa ginawa ko.

“Anything na ginawa ko sa showbiz, I’m happy I survived. Pinagdaanan ko yon at marami akong natutunan do’n,” saad ng alkalde.

Binanggit din ni Yorme ang kanyang parating na biopic story na pagbibidahan ni Xian Lim.

Ayon sa kanya ay lahat ng makikita nila sa pelikula na pinamagatang ‘Yorme: The Musical’ ay totoong nangyari sa kanyang buhay.

Matatandaan na kumalat ang mga lumang larawan ni Yorme noong siya’y nag aartista na maituturing na rated SPG sa panahon na ito.

Ilang media outlet din ang nagsabi na pinuna ng Pangulo ang alkalde dahil sa kanyang pagpapa-sexy noon.

“Nakita ko nga sa Facebook kanina lahat ng nakabikini ang g*g*, tapos may isa pang picture doon na sinisilip niya ‘yung ano niya.

“Yan ang gusto ninyo? Ang training parang callboy naghuhubad, nagpi-picture, naka bikini tapos ‘yung garter tinatangal niya.

“Dapat magsama sila ni Paredes. Tignan ninyo sa Facebook, andiyan ‘yung mga picture niya. Yan ang training ng Presidente,” sabi niya pa.

Hindi naman pumalag si Yorme sa mga diumano’y banat sa kanya ng Pangulo.

Isa si Moreno sa mga napapabalitang tatakbo sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno sa susunod na taon.


Proud Pa? Isko Moreno sa pagkalat ng kanyang mga rated SPG na larawan noong kabataan niya: “Hindi ko kinakahiya ‘yon” Proud Pa? Isko Moreno sa pagkalat ng kanyang mga rated SPG na larawan noong kabataan niya: “Hindi ko kinakahiya ‘yon” Reviewed by Pinoy Trends on August 12, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.