NAGKAINITAN? Mystica hindi napigilang nakibanat nadin sa manghuhula na si Rudy Baldwin!


Nakisali nadin ang dating artista at ngayo’y vlogger na si Ruby Rose Villanueva o mas kilala sa kanyang screen name na ‘Mystica’ sa celebrity manghuhula na si Rudy Baldwin.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Mystica ang kanyang pakikipag usap sa isa sa mga diumano’y hinulaan ni Rudy kapalit ang salapi.

“I-expose natin hanggang sa makulong siya,” payo ni Mystica sa kanyang caller na isang Overseas Filipino Worker sa Japan.

Nag ala-abogado pa si Mystica ng banggitin niya ang diumano’y batas na nilabag ni Rudy.

Binanggit ni Mystica ang revised penal code article 318 kung saan ay nakasaad na ang panghihingi ng pera kapalit ng panghuhula ay labag sa batas.

Ayon sa caller ay madami daw nabiktima si Rudy sa kanilang grupo.

Sa kwento ng OFW ay umabot daw ng P30,000 ang nakuha ni Rudy sa kanya.

Mayroon pa daw siyang kasamahan na umabot daw ng P150,000 ang naiabot na pera sa manghuhula.

May mga nakakakilabot din na mga hula si Rudy sa nasabing OFW kaya naman punong puno ito ng pangamba sa kanyang buhay.

Hindi naman daw mapapahamak ang OFW kung ‘magpapadasal’ daw ito kay Rudy na may bayad diumano na P5,000.

“Inaalok niya ko ng amulet, magtinda daw ako sa Japan,” sabi ng OFW.

Hindi naman nagustuhan ni Mystica ang mga natatanggap niyang impormasyon tungkol kay Rudy Baldwin kaya naman binanatan niya ito sa kanyang vlog.

“Minamanipula niya ang mga tao, niloloko niya ‘yung mga kaisipan nila tapos ‘yung mga tao naman dahil akala nila totoong tao ito at alagad ng Diyos ‘yun pala alagad ni Satanas,” ani Mystica.

Hindi naman pinansin ni Rudy ang mga banat sa kanya ni Mystica na sa ngayon ay umabot na ng mahigit 200 views.






NAGKAINITAN? Mystica hindi napigilang nakibanat nadin sa manghuhula na si Rudy Baldwin! NAGKAINITAN? Mystica hindi napigilang nakibanat nadin sa manghuhula na si Rudy Baldwin! Reviewed by Pinoy Trends on August 07, 2021 Rating: 5

2 comments:

  1. D ko gusto hula nya sa tingen ko nakkaapecto SA buhay Ng Tao at pag alala....ah panginoon paren ang may kkayahan SA lahat Ng bagay ......Hindi sya....Kong Mali Mali hula nya Ito makkadisgrasya Ng mga Tao😢😢itigil nya na ..walng buti idulot ang pagsinungaling kapalit Ng pera....

    ReplyDelete
  2. HOY IKAW MYSTICA, KUNG WALA KANANG MAGAWA SA BUHAY, PWEDE BA MANAHIMIK KA NALANG, NAGPAPASIKAT KA NA NAMAN AKO PA SAYO MANANANIM KA SA BAHAY MO,

    ReplyDelete

Powered by Blogger.