WATCH| Nagmamakaawa na ang Lalaki sa “Kilala mo ba ang tatay ko” video, humingi ng tawad: “It’s a humbling experience”


Humingi ng paumanhin sa publiko ang lalaki na sumikat matapos nitong ipagyabang ang kanyang ama bago siya hulihin ng mga otoridad dahil sa paglabag sa batas trapiko.

Sa isang pahayag, sinabi ni Franz Luke Sioson Orbos na lubos niyang pinagsisisihan ang kanyang nagawang hindi pagpapakita ng respeto sa mga otoridad na sumita sa kanya.

Ayon sa kanya ay mali ang kanyang ipinakita at hindi ito akma sa itinuro sa kanya ng kanyang mga magulang.

“What you saw on the video is indeed regretful and contrary to how I was raised with Christian values by my loving parents, who taught me to be respectful to the proper authorities.
I am deeply remorseful and I sincerely apologize to all who were offended by my conduct.” ani Franz Luke.

“Like any human being, I have committed a mistake and I am I am prepared to suffer the consequences of such. This incident has truly been a learning and humbling experience for me. It has moved me to rise above and beyond these unfortunate circumtances and be a better person for my family, God and country.” dagdag niya pa.

Si Franz Luke ay mula sa makapangyarihang pamilya ng mga Orbos sa Pangasinan.

Sa nasabing video ay paulit ulit niyang binanggit kung kilala ba ng mga otoridad na sumita sa kanya kung sino siya at ang kanyang ama.

“Bakit niyo ko poposasan? Hindi niyo ba ako kilala? Sinong tatay ko ha?” tanong ni Franz Luke sa mga otoridad.

Siya ay anak ni Oscar Orbos na naging dating executive secretary ni dating Pangulong Corazon Aquino, naging kalihim din ito ng Department of Transportation at naging kongresista din ang gobernador ng Pangasinan.

Naging kilala din ang ama ni Franz Luke matapos itong maging host ng Debate with Mare at Pare kasama ang ekonomista na si Prof. Winnie Monsod.

Tiyuhin niya din ang pari na si Father Jerry Orbos at dating MMDA general manager Tim Orbos.

Sa ngayon ay nakalaya na si Franz Luke habang iniimbestigahan ang kanyang mga nagawang kamalian.


WATCH| Nagmamakaawa na ang Lalaki sa “Kilala mo ba ang tatay ko” video, humingi ng tawad: “It’s a humbling experience” WATCH| Nagmamakaawa na ang Lalaki sa “Kilala mo ba ang tatay ko” video, humingi ng tawad: “It’s a humbling experience” Reviewed by Pinoy Trends on July 18, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.