TIWALA DAW? Koko Pimentel sa mga kakampi sa PDP-Laban: Magtiwala tayo sa liderato ni Presidente Manny Pacquiao


Hinimok ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang mga natitira niyang kaalyado sa PDP-Laban na magpakatatag isang araw matapos siyang alisin sa kanyang pwesto sa partido.

Sa isang Zoom meeting, sinabi ni Pimentel na anak ng nagtatag ng PDP-Laban na mabigat ang kanilang kinakaharap na pagsubok, ngunit kailangan nilang kumapit at maniwala sa kakahayan ng kanilang ‘presidente’ na si Senador Manny Pacquiao.

Nasa Amerika ngayon si Pacquiao bilang paghahanda niya sa kanyang boxing match laban kay Errol Spence Jr.

“Tayo po ay may hinaharap na pagsubok ngayon sa ating partido kaya ang importante ay manatili po tayong malakas at magtiwala sa liderato ng ating partido sa ilalim ng ating presidente na si Senator Manny Pacquiao,” ani Pimentel na kilalang kaalyado noon ng Pangulo.

“Huwag po tayong mag-alala kasi ang talaga ipinaglalaban namin dito ay yung boses po ng ating mga chapter members a buong bansa,” dagdag niya pa.

Tinawag namang ‘iligal’ ng dating executive director ng PDP-Laban na si Ronwald Munsayac ang ginawang assembly nitong July 17 na pinangunahan ng chairman ng partido na si Pangulong Duterte.

Matatandaan na kahit si Pimentel ay hindi nakaligtas sa pambabatikos ng Pangulo.

Sinisisi ng Pangulo si Pimentel sa nangyayari ngayong kaguluhan sa partido.

Ayon kasi sa Pangulo ay wala namang alam si Pacquiao at sumusunod lamang ito sa utos sa kanya.

“Ang nagkamali dyan si Koko, hindi Pacquiao. Pacquiao doesn’t know anything. Totoo, kung anumang sabihin, hindi naman nagbabasa yan e. Basta kung anong sabihin ng mga ano nya, sunod,” ani Pangulong Duterte.


TIWALA DAW? Koko Pimentel sa mga kakampi sa PDP-Laban: Magtiwala tayo sa liderato ni Presidente Manny Pacquiao TIWALA DAW? Koko Pimentel sa mga kakampi sa PDP-Laban: Magtiwala tayo sa liderato ni Presidente Manny Pacquiao Reviewed by Pinoy Trends on July 18, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.