Agot Isidro humiling sa Diyos ng ‘kidlat’ matapos marinig ang balita tungkol kay “Manneh” at “Princess S”


Hindi maitago ni Agot Isidro ang kanyang pagkadismaya matapos niyang marinig ang balita tungkol kay “Manneh” at “Princess S”.

Sa isang tweet, hiniling ni Agot sa Diyos na matamaan ng kidlat ang taumbayan upang magising sila sa katotohanan.

“Pumuposisyon na si Manneh at si Princess S. Mahabaging Diyos, isang malalang kidlat lang please. Nang magising ang taumbayan sa katotohanan.” ani Agot.

Hindi man pinangalanan ni Agot ang kanyang mga binabangit na personalidad ay may mga followers siya na naniniwala na siya ay nagsasalita tungkol kay Senador Manny Pacquiao at Davao City Mayor Inday Sara.


Kilalang taga suporta ng oposisyon si Agot.

Naging kontrobersiyal din ang nasabing aktres ng batikusin niya ang asawa ni Senador Manny na si Jinkee Pacquiao dahil sa mamahaling bike na ipinakita nito sa Instagram.

Hindi naman pinatulan ni Jinkee si Agot.

Parehong napapabalitang tatakbo sa mas mataas na posisyon si Senador Manny at Mayor Inday Sara sa susunod na eleksyon.

Pinagusapan din kahapon ang posibleng tandem ni Inday Sara at Manny.

Sa isang panayam ay sinabi ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson na magandang tandem ang Duterte-Pacquiao sa 2022.

Handa naman daw siyang suportahan kung sino man ang i-endorso ni Pangulong Duterte.

“If Sara will be the candidate for president and Manny as vice president or vice versa, that is okay with me, but whatever will be the President’s decision, I will have to wait,” ani Singson.


Agot Isidro humiling sa Diyos ng ‘kidlat’ matapos marinig ang balita tungkol kay “Manneh” at “Princess S” Agot Isidro humiling sa Diyos ng ‘kidlat’ matapos marinig ang balita tungkol kay “Manneh” at “Princess S” Reviewed by Pinoy Trends on July 18, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.