NAGBANTA? Maria Hoffs, kinokonsidera ang pagsasampa ng kaso sa kanyang mga ‘bashers’: “I am the victim”


Tila kinokonsidera ngayon ni Maria Hoffs ang pagsasampa ng kaso laban sa mga netizens na bumabatikos sa kanya sa social media.

Si Hoffs ay sumikat sa internet dahil sa viral video kung saan ay makikita na pilit siyang sinisingil ng catering service pinagkuhanan niya ng pagkain na araw niya diumanong bayaran ng buo.

Ang nasabing mga pagkain ay mula kay Marjorie A. Alison.

Mensahe niya naman sa mga netizens ay hinimok niya ang mga ito na maging responsable sa kanilang mga sinasabi sa social media dahil baka ito pa ang magbigay sa kanila ng mabigat na problema.

Tila nagpahiwatig din si Hoffs na idadaan niya muli sa legal na aksyon ang mga taong bumabatikos sa kanya online.

“I strongly advised to the netizens in social media be responsible,” ani Hoffs.

“We have a law. This is not a joke, there is a constitution. I am the victim, I am the victim, alright, so I strongly advised the netizens who are listening now be responsible of using your social media if you don’t want trouble, because there’s a law and you will be prosecuted,” dagdag niya pa.

Dito niya na kinumpirma na tuturuan niya ng leksyon ang mga netizens.

“I have to pursue so you will learn your lesson,” saad niya.

“If possible, silang tanan (lahat),” dagdag niya pa.

Ipinagmalaki niya pa na tinutulungan siya ng kanyang mga kamag anak para tapusin ang kanilang problema sa legal na paraan.

Tahimik lamang daw sila ngunit gumagawa na sila ng aksyon.

Matatandaan na umabot na sa programang Raffy Tulfo in Action ang isyu ni Hoffs at ng catering service na hindi niya binayaran.

Aabot daw sa 9,000 pesos ang hindi nabayaran ni Hoffs, ngunit paliwanag naman niya ay hindi siya ‘satisfied’ sa pagkain na ipinadala sa kanya.

Wala din balak makipag settle si Hoffs kay Alison dahil sa ginawa nitong abala sa kanya at sa buo niyang pamilya.


NAGBANTA? Maria Hoffs, kinokonsidera ang pagsasampa ng kaso sa kanyang mga ‘bashers’: “I am the victim” NAGBANTA? Maria Hoffs, kinokonsidera ang pagsasampa ng kaso sa kanyang mga ‘bashers’: “I am the victim” Reviewed by Pinoy Trends on July 29, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.