WATCH| Arnold Clavio Pinagalitan si Tatay Digong: “Dapat ang sisihin ni Duterte, hindi ang mamamayan kundi ang kabagalan ng sistema”
Hindi pabor ang beteranong mamamahayag na si Arnold Clavio sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa mga tao na ayaw daw magpabakuna.
Matatandaan na sinabi ng Pangulo na hindi niya papayagan ang mga taong hindi nagpabakuna na makalabas sa kanilang mga tahanan.
“Ito ngayong ayaw magpabakuna, sinasabi ko sa inyo, huwag kayong lumabas ng bahay. Kasi kapag lumabas kayo ng bahay, sabihin ko sa mga pulis, eh ibalik ka doon sa bahay mo.
You will be escorted back to your house because you are a walking spreader,” ani Pangulo kahapon sa kanyang Talk to the Nation.
Hindi pabor si Clavio dito at sinabi na hindi dapat sisihin ng Pangulo ang mga tao kung bakit sila hindi nakapagpabakuna.
Ayon kay Clavio ay ang kakulangan ng supply sa bakuna ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng paghaba ng pila.
“Araw-araw din ako nakakatanggap ng reklamo o hinaing mula sa ating mga kababayan at ang malimit na tanong, “nasaan na ang bakuna?”
“Maliwanag na suplay ang problema at hindi ang mga ayaw magbakuna. Gustuhin man nila eh kung wala naman na maituturok sa kanila, saan sila pupunta?
Sinabi pa ng mamamahayag na dumadami na ang brand ng bakuna kaya naman nagkakaroon na ng kumpiyansa ang mga tao na pumila.
“Kaya hindi ko na maintindihan saan ang hugot ng Pangulong Duterte at laging nagpapagbuntunan ng kanyang galit at pansin ang mga umano’y ‘ayaw magpabakuna’.
“Dapat ang sisihin ni Duterte, hindi ang mamamayan kundi ang kabagalan ng sistema sa pagkuha ng bakuna. Hindin rin ang kanyang gobyerno, kundi ang mga malalaking pharma kung tayo bumibili ng bakuna?
“Sa halip na kondenahin, marapat na pasalamatan pa nga ang ating mga kababayan na sumusunod naman sa nais ng pamahalaan.
“Gusto po nilang magpabakuna Mr. President, pera walang bakuna!” ani Clavio sa kanyang Instagram post.
Umani ng libo libong views ang post na ibinahagi ni Clavio.
View this post on Instagram
WATCH| Arnold Clavio Pinagalitan si Tatay Digong: “Dapat ang sisihin ni Duterte, hindi ang mamamayan kundi ang kabagalan ng sistema”
Reviewed by Pinoy Trends
on
July 29, 2021
Rating:
No comments: