Filipino-Brazilian Jiu-Jitsu world champion Maybelline Masuda, ipinagtanggol ang gobyerno: “We were never abandoned!”


Pinuna ng Filipino-Brazilian Jiu-Jitsu world champion Maybelline Masuda ang mga netizens na tila hinahaluan na ng politika ang nangyaring pagkasungkit ng weightlifter na si Hidilyn Diaz ng kauna-unang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics.

Sa kanyang Instagram story, binanatan ni Maybelline ang mga taong diumano’y pinaparinggan ang mga taga suporta ng gobyero na nagdiriwang din sa tagumpay na nakamit ni Hidilyn para sa bansa.

Ayon sa kanya ay kahit sino naman ay may karapatan na magdiwang sa pagkapanalo ni Hidilyn kahit na ano pa ang paniniwala nila sa politika.

“Di ko gets ang point ng mga nagpaparinig sa mga DDS na “hindi sumoporta” kay Hidalyn dati… So ano bawal na mag congratulate sa tagumpay niya? Credit grabbing na agad?” ani Maybelline

“What the hell is happening? Can’t people juist be genuinely happy for her and the country without fueling a divide?” dagdag niya pa.

Dito na ipinagkumpara ni Maybelline ang pagtrato sa kanila sa mga nagdaang mga administrasyon at sinabi na hindi naman talaga maiiwasan ang pagkakulong ng suporta.

Ngunit ayon sa kanya ay madami ang nagbago sa ilalim ng kasalukuyang pamumuno at gumanda daw ang mga pasilidad na kanilang ginagamit.

Hindi rin daw sila iniwan ng gobyerno ngayon kahit na may kumakalat na sakit sa bansa.

“There has always been a lack of support from our government in sports since ever since, it isn’t something new. I witnessed and experienced firsthand just how bad it was during the previous admin and I can honestly say that the current admin’s support for our athletes in the 5 years has been tremendous compared to the s*** it used to be,” saad ng Jiu-Jitsu champion.

“Our dorms, and sports facilities have improved like never before, our nutritional needs addressed meticulously with a functional cafeteria, we even have an athlete’s ID that has entitled us to discounts by law.
Theses things were never heard before! And don’t forget we were able to successfully host the SEA GAMES with pride. More imporatantly we were never abandoned,” dagdag niya pa.

Umabot ng libo libong shares ang nasabing pahayag ni Maybelline.

Matatandaan na tila nag aagawan ang mga netizens kung sino nga ba ang dapat pasalamat na administrasyon sa tagumpay na tinatamasa ngayon ni Hidilyn.


Filipino-Brazilian Jiu-Jitsu world champion Maybelline Masuda, ipinagtanggol ang gobyerno: “We were never abandoned!” Filipino-Brazilian Jiu-Jitsu world champion Maybelline Masuda, ipinagtanggol ang gobyerno: “We were never abandoned!” Reviewed by Pinoy Trends on July 28, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.