WATCH| Pangulong Duterte nagbigay ng karagdagang 3-M at fully furnished house and lot kay Hidilyn Diaz


Todo pasasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa kauna unang Olympic gold medalist ng Pilipinas na si Hidilyn Diaz.

Sa virtual courtesy call para kay Hidilyn ay pinuri ng Pangulo ang naabot ni Hidilyn na siguradong patuloy na aalahanin ng mga susunod pang henerasyon.

“As expected the nation is ecstatic about your achievement. Your achievement is the achievement of the Philippine nation,” ani Pangulong Duterte.

“We are extremely proud. We cannot express even in the words how we should really be shouting Hallelujah!” dagdag niya pa.

Ayon kay Pangulo ay dapat kalimutan na lamang ni Hidilyn ang mga negatibong nangyari sa kanya noon at alalahanin na lamang ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon.


“I hope that the years of toils, the years of disappointments, and the years na hindi maganda ang nangyari in the past, just forget them, you already have the gold. Gold is gold,” payo ng Pangulo.

“And it would be good for you to just let bygones be bygones and dwell solely on your victory, together with your family and of course with the nation,” dagdag niya pa.

Nagbigay naman ng karagdagang P3-M ang Pangulo kay Hidilyn at nagbigay din siya ng fully-furnished house and lot para sa weightlifter sa Zamboanga City.

Hiwalay pa ang P10-M na ibibigay ng gobyerno kay Hidilyn na naaayon sa batas.

Mayroon naman daw housing project ang gobyerno sa Zamboanga para sa mga miyembro ng AFP kung saan ay parte si Hidilyn ng  Air Force Special Service Group.

Alam naman daw ng Pangulo na hindi na kakailanganin pa ni Hidilyn ng house and lot dahil mga natanggap nitong properties mula sa iba’t ibang private companies ngunit pwede naman daw itong ibigay ng atleta sa kanyang mga kamag anak.

“Thank you so much po President, thank you po,” ani Hidilyn sa Pangulo.

Ipagkakaloob din kay Hidilyn ang Presidential Medal of Merit para sa kanyang kontribusyon sa bansa.

Nasungkit ni Hidilyn ang gintong medalya para sa Pilipinas noong July 26 kung saan ay natalo niya ang pinakamahigpit niyang karibal na si Liao Qiuyun ng China.

Dahil dito ay inulan si Hidilyn ng pabuya mula sa mga pribadong kumpanya na umabot na sa mahigit 30-M.

Hindi pa kasama dito ang mga properties na ibinigay sa kanya kasama na ang 14-M condominium unit mula sa Megaworld.


WATCH| Pangulong Duterte nagbigay ng karagdagang 3-M at fully furnished house and lot kay Hidilyn Diaz WATCH| Pangulong Duterte nagbigay ng karagdagang 3-M at fully furnished house and lot kay Hidilyn Diaz Reviewed by Pinoy Trends on July 28, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.