LOOK: Imbis na mag sorry, Nas Academy ititigil na lamang ang operasyon sa Pilipinas: “Some of our intentions have been misunderstood”


Ititigil na muna ng Nas Academy ang kanilang operasyon sa Pilipinas matapos maungkat ang pangalan ng pinuno nito na si Nuseir Yassin (Nas Daily) sa kontrobersiya tungkol sa pangagatas diumano ng ilang banyagang vloggers sa kultura ng Pilipinas.

Matatandaan na binanatan ng apo ng legendary Kalinga tattoo artist na si Apo Whang-Od si Nas dahil diumano sa pagpapalabas nito ng online course kung saan ay ituturo diumano ng kanyang lola ang mga nalalaman nito sa tradisyonal na ‘pambabatok’ o pagtatato ng kanilang tribo.

Dahil sa patuloy na pag ulan ng batikos kay Nas at sa kanyang kumpanya ay nagdesisyon sila na itigil na muna ang kanilang operasyon sa Pilipinas.

Tila hindi naman pinagbigyan ni Nas ang ilan niyang kritiko na humihiling ng public apology mula sa kanya.

Imbis na humingi ng sorry ay dinepensahan nila ang kanilang kampo at sinabi na may mga hindi lamang nakaintindi ng kanilang pakay.

Handa din silang makipagtulungan sa gobyerno para hindi na maulit ang kontrobersiya na hanggang ngayon ay pinag uusapan parin sa social media.

Nangako naman sila na sila’y babalik at magbibigay muli ng edukasyon sa mga Pilipino.

“Dear Philippines,

“We started Nas Academy because we think everybody should become a teacher.

“We wanted everyone inside and outside the Philippines to become a teacher, because knowledge is the only thing that increases when you give it away.

“Sadly, some of our intentions have been misunderstood, as we can see with Whang-Od Academy. But our goal has always been to help people become teachers, with their input and consent.

“We are committed to working with the National Commission on Indigenous People (NCIP) to ensure that all proper processes are followed. Meanwhile, we will be pausing our operations in the Philippines to focus on strengthening our processes around how we collaborate with our partners.

“We have full respect and belief in both the Filipino people and culture, which is why we chose the Philippines as one of the first places to build Nas Academy.

“We will come back more energised and ready to help more inspiring people become teachers in the Philippines.
Because Education changes lives.

Nagpakita naman ng suporta ang ilang fans kay Nas at sa kanyang mga kasamahan.

Ngunit may ilan paring dismayado katulad ng British blogger na si Malcolm Conlan na kilalang kritiko ni Nas.

“Instead of apologising and admitting fault, Nas Daily has ‘paused’ operations in the Philippines. Bothered?” ani Malcolm.


LOOK: Imbis na mag sorry, Nas Academy ititigil na lamang ang operasyon sa Pilipinas: “Some of our intentions have been misunderstood” LOOK: Imbis na mag sorry, Nas Academy ititigil na lamang ang operasyon sa Pilipinas: “Some of our intentions have been misunderstood” Reviewed by Pinoy Trends on August 08, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.