BANNED? Petisyon na pagbawalan na si Nas Daily na makabalik sa Pilipinas, isinusulong ng libo libong netizens
Isinusulong ng ilang netizens na ideklarang persona non grata ang Palestinian-Israeli content creator na si Nuseir Yassin o mas kilala bilang Nas Daily.
Matatandaan na inaakusahan si Yassin ng paggamit ng mga katutubo katulad ng legendary Kalinga tattoo artist na si Apo Whang-Od para kumita ng pera.
Isa kasi noon sa mga inaalok ng kumpanya ni Yassin na Nas Academy ang isang online course kung saan ay makikita si Whang-Od habang itinuturo ang nalalaman niya sa pagtatato o ‘pambabatok’ kung tawagin sa Kalinga.
Ilang eksperto din sa batas ang sinabi na iligal ang ginawa ni Nas dahil sinamantala daw diumano nito ang mga indegenous people katulad ni Whang-Od.
Dahil dito ay libo libong netizens ang nanawagan sa gobyerno na wag ng payagan pang makabalik ng Pilipinas si Yassin.
Ayon sa petisyon na inumpisahan ni “Pinoy Ako” ay nilabag ng vlogger ang batas kaya naman nararapat lamang na hindi na ito bigyan ng pagkakataon pang makabisita sa Pilipinas.
“Exploiting Indigenous Filipino culture and art for money. He clearly violated the IPRA Law (Indigenous Peoples Rights Act of 1997) Republic Act No. 8371, which is a Philippine law that recognizes and promotes the rights of indigenous cultural communities and indigenous peoples in the Philippines.” ayon sa petisyon.
Umabot na sa mahigit 4,000 ang mga pumirma ng nasabing petsiyon.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kampo ni Yassin tungkol sa petisyon na wag na siyang pabalikin sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan ay iniimbistagahan na ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) – Cordillera Administrative Region (CAR) ang nasabing pirmahan ng kontrata sa pagitan ni Yassin at Whang-Od.
Sa mga gustong makita ang nasabing petisyon ay maari lamang bisitahin ang link na ito: https://www.change.org/p/philippine-government-persona-non-grata-for-nuseir-yassin-nas-daily-in-the-philippines
BANNED? Petisyon na pagbawalan na si Nas Daily na makabalik sa Pilipinas, isinusulong ng libo libong netizens
Reviewed by Pinoy Trends
on
August 06, 2021
Rating:
No comments: