Kumikita Pala? Anak ni Nanay Josie, inilabas ang dahilan kung bakit bumalik sa pamamalimos ang kanyang ina: “Kumikita siya minsan ng 30,000 kada buwan!”


Sa pambihirang pagkakataon ay nagsalita ang isa sa mga nagpakilalang kamag-anak ni ‘Nanay Josie’ na tinulungan ng vlogger na si Jose Hallorina sa kanyang mga vlog.

Matatandaan na naging usap usapan si Nanay Josie na isang homeless dahil sa nagpakilala ito na kamag-anak ni Donnalyn Bartolome.

Noong 2019 naging mainit ang isyu, ngunit nabuhay muli ito ngayong taon na ito matapos magsalita si Jose laban kay Donnalyn na inakusahan niya ng pangigipit.

Sinabi din ni Jose na pumanaw si Nanay Josie ng wala muling tirahan kaya naman todo ang pambabatikos nito sa kampo ni Donnalyn na nagboluntaryo noon na kukupkupin ang matanda.

Paliwanag naman ng nagpakilalang anak ni Nanay Josie na si Dennis Devera ay pinili daw ng kanyang ina na maging pulubi muli dahil malaki ang kinikita nito kaysa sa pagtanggap ng tulong kay Donnalyn.


Isa si Dennis sa mga nagtanggol kay Donnalyn sa gitna ng isyu at sinabi na maraming natanggap ang kanyang ina mula sa internet celebrity ng hindi nito pinapakita sa publiko.

Ayon sa kanya ay minsan 30,000 pesos daw ang kinikita ni Nanay Josie sa pamamalimos sa kalye.

“Sasagutin kita ngayon kung bakit bumalik ang Mama ko sa pamamalimos. Marahil mas malaki ang kinikita niya doon pagka’t batid niya minsan umaabot 30,000 ang nalilikom niya sa panlilimos kada buwan,” ani Dennis.

“Nagbibigay din ako ng tulong sa kanya bilang anak pero sapat lang ang kinikita ko dahil may mga anak din ako.”

Hanggang ngayon daw ay napapakinabangan parin nila ang tulong ni Donnalyn kay Nanay Josie kaya naman todo ang pagtatangol nito sa internet celebrity.

Hindi pa nagbibigay ng tugon si Jose sa mga banat sa kanya ni Dennis.


Kumikita Pala? Anak ni Nanay Josie, inilabas ang dahilan kung bakit bumalik sa pamamalimos ang kanyang ina: “Kumikita siya minsan ng 30,000 kada buwan!” Kumikita Pala? Anak ni Nanay Josie, inilabas ang dahilan kung bakit bumalik sa pamamalimos ang kanyang ina: “Kumikita siya minsan ng 30,000 kada buwan!” Reviewed by Pinoy Trends on August 12, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.