Umalis Agad? Madam Inutz biglang Umalis na sa Pinirmahang Kontrata sa Star Image Artist Management!


Talaga namang naging mabilis ang pagsikat ng isang online seller na binansagang "Madam Inutz" na nagngangalang Daisy Cabantog. Dahil dito ay marami na ang sumusuporta sa kanya at marami na rin ang video na kumakalat online. 

Nitong Agosto 13 lamang ay pumirma na siya ng kanyang kontrata sa Star Imagge Artist Management kung saan ay hahawakan siya ng Manager at magbibigay ng proyekto sa industriya ng pag-aartista.

Ngunit, marami ang mga nagsabi na sana ay hindi na lamang nagpahawak si Madam Inutz sa nasabing management. Isa na rito si Madam Kilay, isang komedyante at sikat na vlogger, na sinabing kakayanin naman niya umano na mag-isa kaysa sa magpahawak sa management.

Dahil dito, kumosulta si Madami Inutz sa mga eksperto at mas nakakaalam, nagtanong din siya sa kanyang pamilya ta mga kaibigan kung ano ang mainam na gawin. At napagpasiyahan na nga niya na umalis na sa Star Image.

Binaggit niya na dumaan umano siya sa legal na paraan at hinayaan na rin siya ng Star Image. Bagaman umalis ay nagpasalamat pa rin siya sa management na binigyan siya ng pagkakataon na mahawakan dahil sa husay niya sa pagpapatawa.

Nilinaw rin niya na nabigla din siya sa mga nangyayari sa kanyang buhay kaya hindi na niya nagawang pag-isipan ng mabuti ang mga nangyayari. Dahil sa sobrang tuwa ay hindi na siya kumukonstulta sa mga tao na nasa paligid niya at nakapagdesisyon siya sa sarili niya.

Narito ang kanyang live video sa kanyang facebook page na Daisy_licious Ukay:


Umalis Agad? Madam Inutz biglang Umalis na sa Pinirmahang Kontrata sa Star Image Artist Management! Umalis Agad? Madam Inutz biglang Umalis na sa Pinirmahang Kontrata sa Star Image Artist Management! Reviewed by Pinoy Trends on August 15, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.