PINAGTULUNGAN? Agot Isidro, Ogie Diaz, Pokwang, atbp binatikos ang kasal ng isang mambabatas: “That gown alone can feed hundred of families!”


Naging usap usapan sa social media ang kasal ni Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) party-list Rep. Claudine Diana “Dendee” Bautista at childhood friend nito na si Jose French “Tracker” Lim.

Ginanap ang kasal sa mamahaling resort na Balesin Island sa Quezon Province nitong buwan na ito.

Mapapansin na talagang ginastusan ng mag asawa ang kanilang kasal sa Balesin.

Ang wedding gown kasi ni Bautista ay gawa pa ng sikat na international fashion designer na si Michael Cinco at ang ang event planner na kinuha nila ay ang celebrity event stylist na si Gideon Hermosa.


Ngunit hindi lahat ng netizens ay nagustuhan ang nasabing kasal ng mambabatas.

Kahit ang mga sikat na artista na sila Agot Isidro, Ogie Diaz.
Pokwang at Enchong Dee ay hindi napigilang batikusin si Bautista na isa sa mga ibinasura ang plano ng ABS-CBN na kumuha ng panibagong prangkisa.

Ayon kay Agot, marami na daw driver ang mapapakain sa ginastos ng mambabatas sa kanyang gown mula kay Cinco.


“That gown alone can feed hundred of families of displaced drivers. And you’re representing which sector again Cong Claudine Bautista?” ani Agot.

Tila inakusahan naman ni Enchong si Bautista at sinabi na galing daw sa mga ‘driver’ at ‘commuters’ ang perang ginamit ng mambabatas sa kanyang kasal.


“The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise.” saad ni Enchong.

Sabi naman ni Ogie ay dapat ibahagi ng mambabatas ang kanyang nagawa.


Tila gigil na gigil naman si Pokwang sa bonggang kasal ng mambabatas.

“Ok ano na? ang class ng representative ng mga drivers ha… naka Michael Cinco na wedding gown… edi wow!! BONGGA KA DAI!! BONGGA KA DAI!! Beep! Beep! tabiiiiiii!! ang masagasaan edi sorry…” tweet ni Pokwang.

Hindi naman malaman kung may kinalaman ba ang desisyon ni Bautista sa ABS-CBN kaya’t ganon na lamang ang batikos na natanggap niya mula sa mga nasabing celebrities.

Wala pang tugon si Bautista sa mga batikos sa kanya.


PINAGTULUNGAN? Agot Isidro, Ogie Diaz, Pokwang, atbp binatikos ang kasal ng isang mambabatas: “That gown alone can feed hundred of families!” PINAGTULUNGAN? Agot Isidro, Ogie Diaz, Pokwang, atbp binatikos ang kasal ng isang mambabatas: “That gown alone can feed hundred of families!” Reviewed by Pinoy Trends on August 15, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.