Artista Agad? Sikat na online seller na si Madam Inutz, isa ng ganap na artista sa ilalim ng Star Image, netizens nanghinayang


Dahil sa kanyang mga patok na paraan ng pagtitinda online ay naging ganap na artista na ang seller na si Daisy Cabantog o mas kilala bilang ‘Madam Inutz’ ng ‘Daisy_licious Uka’.

Nitong August 13 ay inanunsyo ng Star Image Artist Management na pumirma na ng kontrata si Inutz sa kanila.

“Welcome to Star Image Family Daisy!” masayang anunsyo ng Star Artist.

Ang nasabing talent agency ang may hawak din sa mga kilalang internet celebrity na sila Marlou Arizala a.k.a Xander Ford at Buknoy Glamur.


Ibinahagi ng Star Image ang ilang litrato na kuha sa contract signing ni Inutz.

Ngunit hindi lahat ng netizens ay natuwa sa desisyong ito ni Inutz dahil naniniwala sila na kaya naman sumikat ng online seller ng walang tulong mula sa Star Image.


“Dito natapos ang karera mo madam inuts literal na 40days,” ani netizen Teresa Rono.

“Sinayang mo lng.. Inutz ka tlaga. Dyan ka pa nagpa hawak, di nga marunong mag manage ng mga talent nila yan.” sabi pa ni Herbert Mendoza.

“Masisira lang buhay mo sa management nayan mga basura. Mas ok maging idependent ka nlang para solo mo rin kita sa internet,” komento naman ni Earl Joe De Leon.



Hindi naman nagbigay ng tugon si Inutz sa mga bumabatikos sa kanyang desisyon na mag artista kagad.

Matatandaan na kontrobersiyal ang Star Image at minsan umaabot sa punto na inuulan sila ng batikos sa social media dahil sa mga aksyon ng kanilang artista.

Ilang buwan lamang ang nakakaraan ay ibinahagi nila kung paano nila tinulungan ang isa sa mga talent nila na si Xander Ford matapos itong hulihin ng mga otoridad.

Humingi din sila ng public apology matapos maglabas ng hindi kaaya ayang komento ang isa pa nilang talent na si Buknoy Glamur laban sa komedyante na si Vice Ganda at Awra Briguela.


Artista Agad? Sikat na online seller na si Madam Inutz, isa ng ganap na artista sa ilalim ng Star Image, netizens nanghinayang Artista Agad? Sikat na online seller na si Madam Inutz, isa ng ganap na artista sa ilalim ng Star Image, netizens nanghinayang Reviewed by Pinoy Trends on August 13, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.