Sobrang Pinuri? Netizens naantig matapos malaman ang dahilan kung bakit todo bigay si Madam Inutz sa pagbebenta online


Sa maikling panahon ay nakuha kagad ng online seller na si Daisy Cabantog o mas kilala ngayon bilang ‘Madam Inutz’ ang atensyon ng mga netizens.

Palamura man at maingay sa harap ng camera ay may dahilan naman pala kung bakit bigay todo ang internet celebrity sa kanyang pagbebenta online.

Sa kanyang mga post ay makikita ang ilang video at litrato ng kanyang ina na kailangan ng alagaan dahil sa kasalukuyang kondisyon nito.

Dahil sa kondisyon ng kanyang ina ay kailangan na itong alagaan mabuti at sootan ng diaper.

Hindi narin ito makausap ng maayos ang kanyang ina, ngunit makikita ang pagiging masayahin nito.


Ibinahagi niya sa kanyang mga fans na ang kanyang kinikita sa online selling ay ipinambibili niya ng gamot ng kanyang ina.

Ilang fans naman ang naantig sa kalagayan ni Daisy dahil sa makikita na minsan ay nagtitipid ito para lamang makapagtira ng pera para sa kanyang ina.

“yung pagmamahal mo sa nanay mo.. katunayan kung ganu kabuti ang puso mo lalo ka ibi bless ni God Daisy kahit napaka ayup ng bunganga mo… dahil iba ang laman ng puso mo sa nilalabas ng bibig mo … di tulad ng iba na napaka bait sa ibang tao pero sa sariling magulang salbahe..” ani netizen Ma Celeste Hernandez.

“Awwww, sarap sa feelings makita na ganyan kamahal ng mga anak ang magulang nila…kht anong mangyare nagdadamayan ang magkakapatid para suportahan ang mga magulang. God bless you more,” sabi ni Arlene Dela Torre.

“nkakaiyak n nakaktuwa inuts.. god bless sa inyo dahil ung ginawa n mother sa inyo nun mga bata pa kau pano kau alagaan, binabalik nyo sa knya.” komento naman ni Jennylyn Piol.

Sa ngayon ay isa ng artista si Daisy sa ilalim ng Star Artist Management at ang bagong career niya ay maaring makatulong sa kanya para mas kumita pa ng salapi para matulungan ang kanyang ina.




Sobrang Pinuri? Netizens naantig matapos malaman ang dahilan kung bakit todo bigay si Madam Inutz sa pagbebenta online Sobrang Pinuri? Netizens naantig matapos malaman ang dahilan kung bakit todo bigay si Madam Inutz sa pagbebenta online Reviewed by Pinoy Trends on August 13, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.