May Ayuda? Herlene ‘Hipon Girl’ Budol, nakatanggap umano ng mahigit 100,000 pesos mula sa kaibigang si Wil


Hindi makapaniwala si Herlene Budol o mas kilala bilang “hipon girl” sa ibinigay sa kanya ng kaibigang si Wilbert Tolentino.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Wilbert  ang paglalaro nila ni Hipon ng ‘pera o kaldero’ kung saan ay may malaking premyo na naghihintay sa television host kung tama ang mapili niya.

Naalala niya naman sa gitna ng kanilang vlog ang boss niya dati na si Willie Revillame.

“Kuya Wil na Kuya Wil, ah. Parang kilala ko ‘to, ah. Parang nagbibigay ng jacket ‘to,” sabi ni Herlene.

Pinili ni Herlene ang kaldero na may numero 8 dahil ito daw ang petsa ng kaarawan ng kanyang ama.

Ibinahagi niya din na kung sakaling manalo siya sa palaro ni Wilbert ay gagamitin niya sa negosyo ang perang makukuha niya.

Tila tama ang napiling kaldero ni Herlene dahil sa tanging kaldero na 6 at 8 na lamang ang natira na hindi pa nabubuksan.

Dito na nag umpisa na mag alok ng 10,000 si Wilbert kapalit ng pag atras ni Herlene sa palaro.

Umabot hanggang sa 50,000 ang alok ni Wilbert ngunit hindi nagpatukso sa Herlene.

Ngunit ng buksan ni Wilbert ang kaldero 8 ay ‘bokya’ pala ang laman nito.

Dito na nagpakita ng panghihinayang si Herlene dahil sa hindi niya tinanggap ang alok ni Wilbert na umabot na ng 63,000.

Buti na lamang at balak na pala talagang magbigay ng salapi ni Wilbert kay Herlene.

“It’s a prank! May laro man o wala,ibibgay ko talaga sa’yo ‘to.” sabi ng negosyante.

Ayon kay Wilbert ay napanood niya ang istorya ni Herlene sa vlog ni Toni Gonzaga kaya’t gusto niyang makatulong dito.

Umabot na sa 300,000 views ang nasabing video.

Matatandaan na ibinahagi noon ni Herlene na siya’y nahihirapan na ngayon dahil sa pagkawala ng kanyang showbiz career.

“Totoo yung sinasabi, hindi habambuhay yung sa TV ka. Dalawang taon pa lang ako, tingnan mo, wala na kaagad.” sabi niya.


May Ayuda? Herlene ‘Hipon Girl’ Budol, nakatanggap umano ng mahigit 100,000 pesos mula sa kaibigang si Wil May Ayuda? Herlene ‘Hipon Girl’ Budol, nakatanggap umano ng mahigit 100,000 pesos mula sa kaibigang si Wil Reviewed by Pinoy Trends on August 13, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.