Instant Sikat? Online Seller na sobrang Kwela Naging Instant Viral sa Facebook Live kahit walang Bumibili sa Paninda


Patok na patok ngayon sa mga social media platforms ang isang babaeng online seller na si ‘Daisy Cabantog’ o mas kilala ngayon bilang ‘Madam Inutz’ dahil sa ‘hype beast’ at kuwela niyang paraan ng pagbebenta ng mga damit.

Bukod sa pagsayaw sa harapan ng kaniyang mga prospect buyers, ang kinaaliw ng netizens ay ang pagtawag niya ng ‘inutil’ sa mga nakatambay o nanonood sa kaniyang live online selling, na umaabot ng 50k pataas; at ni isa sa kanila ay wala man lamang miners o interesadong bilhin ang kaniyang paninda.

Mahilig ka bang mag-follow sa mga online sellers, maki-agaw, at maki-mine? O isang dakilang ‘tambay’ ka lang at pinanonood ang online seller kung paano siya mag-entertain ng mga posibleng buyers niya?

“Hoy mga inutil! Mga put* ninyo, 4.81 viewers, wala akong nakikitang nagma-mine!!! Kailangan ko pang-chicha! Mga wala kayong kuwenta, puro tambay lang walang miners?” Mga put* ninyo!” banat niya lagi sa mga viewers niya.

Imbes na mabadtrip ang mga ‘tambay’ sa kaniya, aliw na aliw naman sila lalo na’t ang bilis ng shifting niya: mula sa galit-galitan mode, pagmumura, bigla na lamang siyang sasayaw ng mga dance craze na karamihang sinasayaw sa TikTok. Good vibes umano ang hatid niya kahit ‘bastos ang bibig niya.’ Para umanong online comedy bar ang manood sa online selling niya.

Sa sobrang aliw ng mga nanonood sa kaniya, sila pa mismo ang humihiling na murahin sila ni Madam Inutz.






Instant Sikat? Online Seller na sobrang Kwela Naging Instant Viral sa Facebook Live kahit walang Bumibili sa Paninda Instant Sikat? Online Seller na sobrang Kwela Naging Instant Viral sa Facebook Live kahit walang Bumibili sa Paninda Reviewed by Pinoy Trends on August 13, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.