Sapul sa Mukha? Duterte tinawag na parang ‘callboy’ ang isang alkalde na tatakbo daw na Pangulo: “Magsama kayo ni Paredes!”


Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang alkalde sa National Capital Region (NCR) na diumano’y puro paninisi lamang ang ginagawa sa ibang tao.

Sa kanyang pre-recorded Talk to the People, pinaringan ni Duterte ang nasabing alkalde ng isang siyudad at sinabi na hindi niya ito bibigyan ng kapangyarihan na makapagbigay ng ayuda sa mga tao.

Inatasan niya ang DILG na lamang ang siyang mamimigay ng ayuda sa nasabing siyudad na hindi diumano marunong mag organize ng mga distribution.

“Kayo na muna [ang mamigay] hanggang sa matuto sila, nakita naman ninyo na wala talagang kaalam alam itong mga Mayor na ito kaya tanggalan muna natin itong pamimigay ng pera at tulong ng gobyerno,” ani Pangulong Duterte.

Bago matapos ang kanyang talumpati ang binanatan muli ng Pangulo ang nasabing alkalde na hindi niya pinangalanan.

“May isang siyudad dyan na hindi ko bibigyan ng power to distribute ng ayuda. Simply because in so many instances, they cannot organize, wala talaga everytime,” sabi ng Pangulo.

“It has happened several times and several times…blamed other people other than himself. Susmaryosep, hindi lang tayo pwedeng magsambit ng politiko dito.

“Kayong mga Pilipino, wag kayo magpaloko dyan sa mga padrama magsalita,” dagdag niya pa.

Tinawag pa ng Pangulo na ‘callboy’ ang nasabing alkalde at dapat ay mag sama daw sila ng OPM artist na si Jim Paredes na noo’y naharap sa kontrobersiya dahil sa kanyang pribadong video na kumalat.

“Nakita ko nga sa Facebook kanina lahat ng nakabikini ang g*g*, tapos may isa pang picture doon na sinisilip niya ‘yung ano niya.

“Yan ang gusto ninyo? Ang training parang callboy naghuhubad, nagpi-picture, naka bikini tapos ‘yung garter tinatangal niya.

“Dapat magsama sila ni Paredes. Tignan ninyo sa Facebook, andiyan ‘yung mga picture niya. Yan ang training ng Presidente,” sabi niya pa.

Matatandaan na isa ang alkalde ng Maynila na si Isko Moreno ang napapabalitang tatakbo sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Bago ito pumasok sa politika ay naging artista ito at napasubo sa mga ‘daring’ na scene.

May ilang litrato din ito noong kabataan niya na kumakalat ngayon sa social media sa hindi malamang kadahilanan.


Sapul sa Mukha? Duterte tinawag na parang ‘callboy’ ang isang alkalde na tatakbo daw na Pangulo: “Magsama kayo ni Paredes!” Sapul sa Mukha? Duterte tinawag na parang ‘callboy’ ang isang alkalde na tatakbo daw na Pangulo: “Magsama kayo ni Paredes!” Reviewed by Pinoy Trends on August 09, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.