UMATRAS NA? Jessica Soho, umatras na sa pakikipag-partner kay Nas Daily matapos batikusin ang banyagang vlogger


Nagdesisyon ang batikang mamamahayag na si Jessica Soho na i-atras ang balak niyang pakikipag partner sa Palestinian-Israeli vlogger na si Nuseir Yassin o mas kilala bilang Nas Daily.

Matatandaan na ilang araw ng inuulan ng batikos si Yassin dahil sa mga lumabas na akusasyon laban sa kanya na diumano’y ginagamit niya lamang ang mga Pilipino para kumita ng salapi sa internet.

Bago ang nasabing kontrobersiya ay inanunsyo pa ni Soho ang kanyang magiging online course sa EdTech website ni Yassin na ‘Nas Academy’.

Naitampok pa nga si Yassin sa magazine show ng mamamahayag na Kapuso Mo, jessica Soho (KMJS) at sinabi pa nito na dapat daw ay ‘magalit’ ang mga Pilipino sa mga problema na kinakaharap ng bansa.

Ngunit dahil sa nasabing isyu ay mawawalan muli ng bagong ka-partner si Yassin sa Pilipinas.

Ayon sa pahayag ng Soho ay hindi na nila itutuloy ang Jessica Soho Academy dahil narin sa mga nangyari.

“In light of recent events, and after our team’s series of communications with Nas Academy, we decided and mutually agreed not to pursue the Jessica Soho course.” sabi sa kampo ng mamamahayag.

Ipinaalam naman sa kanila ng kampo ni Yassin na patuloy nilang inaayos ang isyu, kasama na dito ang isyu niya sa Kalinga tattoo artist na si Apo Whang-Od na isa sana sa mga itatampok sa Nas Academy.

“Nas Academy has informed us that they are working with the NCIP. (National Commission on Indigenous Peoples) We hope for the resolution of all issues raised.” 

Pinuri naman ng mga netizens ang naging desisyong ito ni Soho na isa sa mga pinakasikat na mamamahayag sa Pilipinas at sa Facebook.

“Even without Nas Daily. Jessica Soho is still Jessica Soho. KMJS is still KMJS. Kudos to your decision. Let them learn to respect other cultures, specially ours.” ani Mark Russel Ibasco.

“Kodus to Jessica Soho and for the rest of the team of KMJS program. Standing together with our kababayan esp. to Whang-od and to her Butbut tribe in Buscalan is a great news to all of us Filipinos,” sabi naman ni Kisha Lanipa.

“Such a wonderful decision. Choose your culture and respect it above everyone and anything else. He shouldn’t be in your program anymore. The love for the country and culture should be a priority,”

Nitong nakaraan lamang ay inanunsyo din ng kampo ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na hindi na muna sila tatanggap ng bagong aplikante sa kanilang online course sa Nas Academy.

Isang sikat na vlogger din na si Panlasang Pinoy ang umatras sa sana’y pakikipag partner sa Nas Academy bilang pag suporta kay Whang-Od.


UMATRAS NA? Jessica Soho, umatras na sa pakikipag-partner kay Nas Daily matapos batikusin ang banyagang vlogger UMATRAS NA? Jessica Soho, umatras na sa pakikipag-partner kay Nas Daily matapos batikusin ang banyagang vlogger Reviewed by Pinoy Trends on August 09, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.