Ilalabas ang Totoo? Nas Daily, nakikipag usap na sa mga abogado para maipalabas ang katotohanan: “To set the record straight”
Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang Palestinian-Israeli vlogger na si Nuseir Yassin o mas kilala bilang Nas Daily, ilang araw matapos siyang maharap sa kontrobersiya dahil sa diumano’y pangagatas nito sa kultura ng Pilipinas.
Sa kanyang video na inilabas nitong August 9 ay ipinaliwanag ni Yassin isa isa ang mga akusasyon na ibinato sa kanya, kasama na dito ang mga banat sa kanya ng apo ni Apo Whang-Od at ng ‘Cacao Project’ founder na si Louise de Guzman Mabulo.
Iginiit ni Yassin na mayroon silang permiso mula kay Whang-Od at sa pamilya nito na ilabas sa kanilang website ang online course kung saan ay ituturo ng legendary Kalinga tattoo artist ang kanyang nalalaman sa ‘pagbabatok’ o tradisyunal na pagtatato ng kanilang tribo.
“In everything we do, we get permission. We worked with the family directly and got their consent. We made sure to support them during these difficult times. We did all this as an act of support and not as an act of exploitation,” ani Yassin.
Ngunit matatandaan na sinabi na mismo ng National Commission on Indigenous People na hindi lamang dapat kay Whang-Od humingi ng permiso si Yassin, kundi sa buong tribo ng Butbot kung saan kabilang ang mangbabatok.
Pinasinungalingan din ng vlogger ang mga akusasyon sa kanya ni Mabulo at sinabi na imbento lamang ang istoryang ito laban sa kanya.
Matatandaan na sinabi noon ni Mabulo na hindi itinampok ni Yassin ang istorya ng ‘Cacao project’ dahil sa wala itong makukuhang views sa social media.
Sinabi rin daw ni Yassin ayon kay Mabulo na kailangan niya lang banggitin ang salitang Pilipinas at makakakuha na siya ng milyon milyong views mula sa mga Pilipino.
Pero ayon kay Yassin ay hindi ito totoo at ayaw lang daw nilang magamit ang kanyang vlog sa totoong plano ni Mabulo sa mga magsasaka.
“On paper, it was supposed to be a non-profit that helps farmers. In reality, it’s a for-profit exploiting farmers. We said we cannot do this video in good conscience. We cannot show you things that we are not confident of,” paliwanag ni Yassin
Inamin din nito na nakikipagtulungan na sila sa mga ahensya ng gobyerno at sa kanilang mga abogado para maipalabas ang katotohanan at malinis ang kanilang pangalan.
“We are working with lawyers to set the record straight and let the truth come out,” sabi ni Yassin sa kanyang milyong milyong followers.
Sa ngayon ay umabot na ng mahigit dalawang milyong views ang nasabing vlog ni Yassin.
Inilabas ng vlogger ang kanyang video, isang araw matapos itigil ng kanyang kumpanya na Nas Academy ang kanilang operasyon sa Pilipinas.
Ilalabas ang Totoo? Nas Daily, nakikipag usap na sa mga abogado para maipalabas ang katotohanan: “To set the record straight”
Reviewed by Pinoy Trends
on
August 09, 2021
Rating:
No comments: