Rumesbak Agad? Anak diumano ni ‘Nanay Josie’ binanatan si Jose Hallorina: “Para makaangat ay maninira ng iba”


Usap usapan ngayon sa social media ang mga banat ng ‘good samaritan’ vlogger na si Jose Hallorina laban sa internet celebrity na si Donnalyn Bartolome.

Matatandaan na noong 2019 ay itinampok ni Jose ang istorya ni ‘Nanay Josie’ kung saan ay binanggit nito na kamag-anak daw siya ni Donnalyn.

Naging mainit din ang usapan noon tungkol kay Jose at Donnalyn ngunit kalaunan ay nagkasundo ang dalawa na tapusin na ang isyu.

Mismong si Jose ang nag turnover kay Nanay Josie sa pamilya Bartolome.

Ngunit nitong Agosto 9, 2021 ay nagsalita si Jose at tinanong ang internet celebrity kung bakit nga ba naging ‘homeless’ muli diumano ang matanda na pumanaw na nitong taon na ito.

Ayon kay Jose ay pinadalhan daw siya ng demand letter ng kampo ni Donnalyn para pigilan siyang magsalita muli tungkol kay Nanay Josie.

“Sabi niya, kapag hindi ko idedelete ang video na yon, kakasuhan niya ako. Gusto akong patahimikin ni Donnalyn kaya ngayon, HINDI AKO TATAHIMIK!” ani Jose.

Nitong Agosto 11 naman ay lumantad ang isang nagngangalang Dennis Devera na sinasabi na anak daw mismo ni Nanay Josie.


Ipinagtanggol ni Dennis ang kampo ni Donnalyn laban sa pangagamit na diumano’y ginagawa ni Jose.

Sa kanyang Facebook post, nilinaw ni Dennis na hindi daw lola ni Donnalyn si Nanay Josie ngunit tinulungan parin ito ng internet celebrity kahit walang nakatutok na mga camera.

“Gusto ko rin linawin na tumulong si Donna mula noong buhay siya hanggang sa pagcremate sa kanya kahit hindi pa niya obligasyon. Bakit hustisya ang hinihingi mo?

“Malayong kamag-anak na kami ni Donna kaya hiyang hiya ako sa ginagawa sakanyang paninirang puri ngayon.

“Binilhan ni Donna ng motor. Binigyan ng pang negosyo. Binayaran niya lahat ng pinagkakautangan ng mama ko. Inupahan siya ng apartment na matitirahan. Binilihan ng appliances at binigyan ng monthly allowances at groceries nang hindi niyo alam.

“De Vera kami at Bartolome si Donnalyn. Wag niyo na idamay yung bata. Hindi lang niya pinakita sa camera pero sobra sobra na ang nagawa niya para makatulong at alam ko madami din siyang natulungan ngunit hindi nga lang lagi nakaharap sa camera tulad ng taong nandidiin sa kanya.

Sinabi pa ni Dennis na “scripted” daw ang unang video kung saan itinampok ni Jose si Nanay Josie at humingi na daw ng tawad ang matanda kay Donnalyn dahil dito.

Handa rin daw silang magpakita ng “pruweba” na magpapatunay na mali ang mga akusasyon ni Jose laban kay Donnalyn.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Jose sa mga banat sa kanya ng anak diumano ni Nanay Josie.

Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Donnalyn tungkol sa nasabing isyu.


Rumesbak Agad? Anak diumano ni ‘Nanay Josie’ binanatan si Jose Hallorina: “Para makaangat ay maninira ng iba” Rumesbak Agad? Anak diumano ni ‘Nanay Josie’ binanatan si Jose Hallorina: “Para makaangat ay maninira ng iba” Reviewed by Pinoy Trends on August 11, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.