Naging Eksperto? Sharon Cuneta, nagsalita tungkol sa ekonomiya ng bansa: “Humihingi po ako ng tulong”


Matapos umuwi sa Pilipinas ay nagsalita si ‘megastar’ Sharon Cuneta tungkol sa lagay ng ekonomiya ng bansa.

Sa kanyang Instagram post, nagpakita si Sharon ng pag-aalala sa kalagayan ng mga apektado ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa dahil sa kumakalat na sakit.

Ayon kay Sharon ay gusto niyang makagawa ng paraan para makatulong sa mga taong apektado ng ECQ, na maaring umabot kahit na tapos na daw ang “pag-(mis)handle” ng krisis sa bansa.

“Kamusta na po kayo ngayong ECQ? I cannot imagine what those of you who have lost your jobs and all of you who are struggling… especially lahat po kayong mga kababayan kong nagugutom ngayon..” ani Sharon.

“I am wracking my brain trying to think of how I and hopefully fellow artistas and singers and other non-famous but more fortunate people can help. Please pray with me that the Holy Spirit may give ideas that will work.” dagdag niya pa.

Hinimok niya ang mayayaman at mga korporasyon na gumawa ng paraan para matulungan ang mga tao ng hindi lamang panandalian.

“Hindi ‘yung mamimigay ka ng pera tapos tapos na. We must help those who have skills to be able to use and earn from them,” sabi niya.

Matatandaan na napabalitang nakaalis na sa ‘recession’ ang bansa ngayong second quarter of 2021 matapos makapagtala ang Pilipinas ng 11.8% growth.

Ngunit ayon kay Sharon ay hindi ibig sabihin nito ay nadagdagan na ang trabaho ng mga Pilipino.

Binanggit din nito ang isang report mula sa ilang banko na bigo ang gobyerno na pigilan ang kumakalat na sakit sa bansa kaya naman bumaba ang credit rating ng Pilipinas.

Tila may pasaring naman ang isang abogado kay Sharon.

Ayon sa post ni Atty. Darwin Cañete ay bigla na lamang daw naging eksperto sa ekonomiya si Sharon matapos magpabawas ng dibdib.

Hindi man binanggit ni Cañete ang pangalan ni Sharon ay maraming followers ang nakahula kagad kung sino ang pinaparingan niya lalo na’t balitang balita ang pagpapabawas ng dibdib ni megastar habang siya’y namamalagi sa Amerika.

Naging endorser din ng shipping company na SuperFerry si Sharon.

“Bilib ako kay Superferry. Nagpatabas lang ng s*s*, naging expert na sa economy. Tinalo yung 3 month degree ni PacQ.” ani Canete.


Naging Eksperto? Sharon Cuneta, nagsalita tungkol sa ekonomiya ng bansa: “Humihingi po ako ng tulong” Naging Eksperto? Sharon Cuneta, nagsalita tungkol sa ekonomiya ng bansa: “Humihingi po ako ng tulong” Reviewed by Pinoy Trends on August 11, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.