Lumantad Na? ‘Mystery guy’ ni Kris Aquino, lumutang na: “Napasaya niya ko, kung tutuusin napakaswerte ko,”


Lumantad ang diumano’y ‘mystery guy’ na binati ni television host na si Kris Aquino sa kanyang Instagram.

Matatandaan na madaming netizen ang pinag usapan ang pagbati ni Kris ng maligayang kaarawan sa isang indibidwal na hindi niya pinangalanan sa kanyang Instagram post.

“Thank you for coming into my life… Happy Birthday,” ani ni Kris sa kanyang post.

Hindi man pinangalanan ni Kris ang ‘mystery guy’ sa kanyang post ay nagkaroon malaking clue ang mga netizen kung sino nga ba ito.

Gamit kasi ang Instragram mismo ng Queen of All Media ay nag reply ang sinasabing mystery guy na isa daw dating kalihim ng DILG sa netizen na tila binabatikos si Kris.

Nalaman na ang binabangit pala na lalaki ni Kris ay si dating DILG Sec. Mel Sarmiento.


“@mynameisaxell hiniram ko yung phone ni kris- ewan ko kung nakatrabaho kita sa DILG sa laki ng department mahirap maalala ang lahat. Wag naman masamain kung nag greet nga sa ‘kin, ba’t naman napunta na sa malas? Eh napasaya nga nya ko- kung tutuusin napaka swerte ko. Kung nag sama nga tayo sa department na minahal ko, konting respeto naman sa min ni Kris- Mel Senen Sarmiento,”

Kinumpirma naman ni Kris ito sa isa pang comment sa Instagram post niya.


Naging kalihim si Sarmiento sa ilalim ng administrasyon ng kapatid ni Kris na si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III mula September 2015 hanggang June 30, 2016.

Naging mambabatas din ito at alkalde ng Calbayog City ng siyam na taon.

Hindi pa sinasabi ni Kris kung ano nga ba ang dating kalihim sa kanyang buhay ngayon.

Ikinagulat naman ng ilang netizens ang relasyon ni Kris sa dating kalihim dahil akala nila’y ang negosyante na si Willie Revillame ang napupusuan nya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)


Lumantad Na? ‘Mystery guy’ ni Kris Aquino, lumutang na: “Napasaya niya ko, kung tutuusin napakaswerte ko,” Lumantad Na? ‘Mystery guy’ ni Kris Aquino, lumutang na: “Napasaya niya ko, kung tutuusin napakaswerte ko,” Reviewed by Pinoy Trends on August 11, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.