May Rason? Manny Pacquiao may dahilan matapos matalo kay Yordenis Ugas: “My legs are tight. It was hard to move”


Natalo man si Senador Manny Pacquiao sa kanyang laban kay Yordenis Ugas ay marami paring boxing fans ang hanga sa ipinakitang galing ng pambansang kamao.

Sa panayam sa kanya matapos ang kanyang laban ay inamin ni Pacquiao na nahirapan siya sa last minute adjustment sa kanyang laban kay Ugas.

Tila nakaramdam din ng kakaiba si Pacquiao sa kanyang mga binti kaya naman hirap itong makagalaw at magawa ang mga footwork kung saan siya nakilala.

“I didn’t make adjustments early enough. My legs were tight.” ani Pacquiao.

Humingi naman ito ng tawad sa kanyang mga fans dahil hindi niya naibigay ang panalo na gusto nila.

“I’m sorry we lost tonight. I did my best.” sabi niya pa.

Hindi pa naman malaman kung magre-retiro na nga ba ang pambansang kamao.

Sinabi naman niya na sa susunod na buwan ay ilalahad niya na ang kanyang desisyon kung tatakbo ito sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Ayon naman sa ilang fans ay natalo na ng “father time” si Pacman dahil sa matanda na ito.

Marami sa kanilang ang hinimok na ang pambansang kamaop na mag retiro.

“Yordenis Ugas and father time just put an end to Manny Pacquiao‘s legendary and hall of famer boxing career. His footwork and power aren’t there anymore. Time to retire and become a private citizen and philanthropist.” ani @markyramonego.

“In the end Father Time is undefeated. It was a wonderful run and over a decade of happy and proud Pacquiao Weekends. Salamat Manny and Congratulations on a legendary boxing career!” sabi naman ni @SaltAndReality.

Natalo ni Ugas si Pacquiao via decision sa score na 115-113, 116-112, 116-112.

Ayon naman kay Ugas ay napatunayan niya na siya talaga ang WBA “super” welterweight champion.

Ito na ang ikawalong talo ni Pacquiao sa kanyang career.




May Rason? Manny Pacquiao may dahilan matapos matalo kay Yordenis Ugas: “My legs are tight. It was hard to move” May Rason? Manny Pacquiao may dahilan matapos matalo kay Yordenis Ugas: “My legs are tight. It was hard to move” Reviewed by Pinoy Trends on August 22, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.