MAKAKASIRA? Chavit Singson, pinagbawalan daw na sumama sa entourage ni Pacquiao sa laban nito kay Ugas


Sa bawat laban ng pambansang kamao na si Sen. Manny Pacquiao ay hindi mawawala ang kanyang kaibigan na si Narvacan Mayor Chavit Singson.

Ngunit ngayon ay inaasahan na hindi daw makikita si Singson sa tabi ni Pacquiao sa laban nito kay Yordenis Ugas ngayong August 22 na gaganapin sa Amerika.

Ayon sa website na ‘Politiko’ ay sinabihan si Pacquiao ng kanyang mga advisers na hindi nila papayagan si Singson na makalapit ngayon sa pambasang kamao.

Naniniwala kasi ang mga nagbibigay ng payo kay Pacquiao na maaring makasira sa imahe nito ang presensya ni Singson na isang maimpluwensiyang tao sa Ilocos region.

Matatandaan na bigla ding pumait ang relasyon ni Pacquiao at Singson dahil sa usapin sa buwis sa tabako na isa sa mga produkto ng Ilocos.

“Kinausap niya ako sa tabacco  tax increase, huwag ko daw ituloy, pero sabi ko pasensya ka na, bestfriend kita pero hindi kita mapagbibigyan. Hindi naman basic commodities ang tobacco, ayaw ko nang magmahal pa ang presyo ng bigas at pagkain, dito na lang tayo magtaas (sa tobacco) bisyo naman ito,” pagmamalaki ng senador sa isang panayam.

Hindi natuwa si Singson sa mga sinabi ng kanyang kaibigan kaya naman binanatan nito ang pambansang kamao sa isang panayam sa radyo.

“Maling mali siya diyan, hindi siya dapat pumapasok sa isyu na hindi niya alam. Siyam na beses na niyang itinaas ang buwis sa tobacco. Anything na sobra ay masama. Hindi niya alam balansehin,” paliwanag ni Singson.

“Mag aral ka muna bago ka pumasok sa isyu! Dahil dyan maliwanag suportado ko parin siya sa boxing, pero sa pulitika mag-aral muna siya.” dagdag niya pa.

Ngayong araw inaasahan na makukumpirma ang nasabing balita kung totoo ba na hindi talaga kasama ni Pacquiao si Singson.

Source: Politiko


MAKAKASIRA? Chavit Singson, pinagbawalan daw na sumama sa entourage ni Pacquiao sa laban nito kay Ugas MAKAKASIRA? Chavit Singson, pinagbawalan daw na sumama sa entourage ni Pacquiao sa laban nito kay Ugas Reviewed by Pinoy Trends on August 22, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.