Hindi Binayaran? Mike Hanopol may maanghang na mensahe kay Manny Pacquiao: “Matanda na ako niloko mo pa ako”


Ibinunyag ng 75-year-old legendary Filipino rock icon na si Mike Hanopol ng Juan de la Cruz Band ang diumano’y panlolokong ginawa sa kanya ng pambansang kamao na si Senador Manny Pacquiao.

Sa kanyang Facebook post noong August 21 ay ibinunyag ni Hanopol ang hindi pagbabayad daw sa kanya ni Pacquiao sa mga kanta na ginawa nito para sa pambansang kamao.

Ayon sa kanya ay gumastos din naman siya para magawa ang mga ‘Hebrew songs’ na ipinagawa daw ni Pacquiao sa kanya kaya naman ganito na lamang ang sama ng loob nito ng hindi siya bayaran sa mga likha niya.

“Sabi Pacman gusto nya makatulong di Importante ang pera sa kanya,” ani Hanopol. “E bakit ayaw mo ako bayaran nagpagawa ka ng hebrew songs sa akin i spend money on studio and musician di mo naman ako binayaran san ang tulong na sinasabi mo di ka na naawa matanda na ako niloko mo pa ako,”


Umabot ng libo libong reaksyon ang nasabing post ni Hanopol sa kanyang social media account.

Ikinagulat naman ng mga netizens ang rebelasyong ito ni Hanopol dahil kilala sa publiko ang bilyonaryong si Pacquiao bilang isang mapagbigay ng tao.

Noong 2019 ay nagkita si Hanopol at si Pacquiao at ito’y na-feature sa vlog ng Jew vlogger na si Drew Binsky.

Sa nasabing vlog ay ibinahagi ni Pacquiao na kaya niya palang magsalita ng Hebrew.

Kinumpirma din sa nasabing vlog na nagpapagawa nga si Pacquiao ng mga Hebrew songs kay Hanopol na niyakap ang relihiyong Judaism.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ni Pacquiao sa mga akusasyon sa kanya ni Hanopol.


Hindi Binayaran? Mike Hanopol may maanghang na mensahe kay Manny Pacquiao: “Matanda na ako niloko mo pa ako” Hindi Binayaran? Mike Hanopol may maanghang na mensahe kay Manny Pacquiao: “Matanda na ako niloko mo pa ako” Reviewed by Pinoy Trends on August 23, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.