Di Pinansin? Mike Hanopol gutom lang daw ang napala matapos subukang kausapin si Pacquiao, Lito Camo to the rescue


Usap usapan ngayon sa social media ang mga akusasyon ng legendary Filipino rock icon na si Mike Hanopol ng Juan Dela Cruz Band laban kay pambansang kamao Sen. Manny Pacquiao.

Matatandaan na ibinunyag ni Hanopol na hindi daw siya binayaran ni Pacquiao para sa mga ginawa niyang Herbew songs para kay Pacman.

“Sabi ni Pacman gusto nya makatulong di Importante ang pera sa kanya e bakit ayaw mo ako bayaran nagpagawa ka ng hebrew songs sa akin i spend money on studio and musician di mo naman ako binayaran san ang tulong na sinasabi mo di ka na naawa matanda na ko niloko mo pa ako,” ani Hanopol.


May ilang kaibigan niya ang tinanong si Hanopol kung sinubukan niya bang puntahan si Pacquiao sa kanyang opisina.

Sagot naman ng rock icon ay ilang beses na siyang pumunta sa opisina ng pambansang kamao ngunit gutom lamang daw ang napala nito.


Nagkaroon pa nga daw ito ng nakakahawang sakit ngunit nasa mabuti na siyang kalagayan ngayon.

“Naku marami ng beses bumalik pa nga ako don pila pa tapos di nagbayad gutom ang inabot ko,” kwento ni Hanopol.


Naniniwala din si Hanopol na imposibleng makalimutan ng pambansang kamao ang kanilang usapan.

Pinanindigan din ni Hanopol ang kanyang mga sinabi at sinabi na hindi siya nagsisinungaling sa post niya laban sa pambansang kamao.


Umabot na ng libo libong shares sa social media ang nasabing post ni Hanopol.

Samantala ay nakatanggap naman siya ng mabuting balita dahil nakausap niya daw ang isa sa mga malapit na kaibigan ni Pacquiao na si singer and songwriter Lito Camo.

Ayon sa kanya ay “OK” na ang kanyang problema dahil aasikasuhin na daw ni Camo ang kanyang mga hinihingi.

“Ok na pare. Kumunek na si Lito Camo hiningi na nya detalye. 3 kanta. Hebrew songs. Sya na aasikaso ng lahat.” saad ni Hanopol.

Hanggang ngayon ay wala paring opisyal na pahayag ang kampo ni Pacquiao tungkol sa isyu ni Hanopol sa kanila.


Di Pinansin? Mike Hanopol gutom lang daw ang napala matapos subukang kausapin si Pacquiao, Lito Camo to the rescue Di Pinansin? Mike Hanopol gutom lang daw ang napala matapos subukang kausapin si Pacquiao, Lito Camo to the rescue Reviewed by Pinoy Trends on August 23, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.