AWAY NA TO? DJ Chacha diretsahang binanatan ng ina ni Heaven Peralejo: Wag ka puro parinig, Panindigan mo!


Diretsahang binanatan ng ina ni Heaven Peralejo ang disk jockey na si Czarina Balba o mas kilala bilang ‘DJ Chacha’.

Naging usap usapan kamakailan si Heaven dahil sa pag amin nito sa relasyon niya kay Kiko Estrada.

Hindi naman nakaiwas sa pambabatikos si Heaven dahil sa pagtanggi niya noon na wala siyang kinalaman sa paghihiwalay ni Kiko at ng dati nitong nobya na si Devon Seron.

“To set things straight, I am not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup,” ani Heaven sa kanyang Instagram story noong nakaraang March.

Isa si DJ Chacha sa mga nag tweet ng mensahe para sa mga mang aagaw ng relasyon ng iba sa kalagitnaan noon ng diskusyon tungkol kay Heaven.


Wala mang binanggit si Chacha na pangalan ay maraming netizen ang naniniwala na patama niya ito kay Heaven.

“Wag niyong kaugalian mang-agaw ng jowa o makiepal sa relasyon ng iba. Makakasanayan niyo yan. Hanggang sa pagtanda, madadala niyo yang ugali na yan.” ani Chacha noong August 14.


Nag tweet muli si Chacha matapos at sinabi nito na hindi niya na kasalanan kung may “tinamaan” sa kanyang tweet.

“Kapag walang name drop wag mag-assume na para sayo ang post. Kapag tinamaan ka, hindi na kasalanan yun ng nagpost ibig sabihin non guilty ka. Ganon lang yon.” ani Chacha.

Nitong August 19 naman ay nag tweet ang ina ni Heaven na si Luanne Peralejo at binanatan ng direkta si DJ Chacha dahil sa kanyang tweet na diumano’y para sa kanyang anak.


“Yung mga taga showbiz diyan na gusto mag promote ng bashing pero puro encrpyted message mag tag kayo kung matapang talaga kayo. Wag puro parinig tapos pag sinugod kayo ng fans sasabihin nyo wala kayong minention,” ani Luanne Peralejo.

“Oo para sayo to @_djchacha,” dagdag niya pa.

Hindi pa tumutugon si DJ Chacha sa mga banat sa kanya ng ina ni Heaven.


AWAY NA TO? DJ Chacha diretsahang binanatan ng ina ni Heaven Peralejo: Wag ka puro parinig, Panindigan mo! AWAY NA TO? DJ Chacha diretsahang binanatan ng ina ni Heaven Peralejo: Wag ka puro parinig, Panindigan mo! Reviewed by Pinoy Trends on August 21, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.