Humihingi ng Tawad? Gerald Anderson, umaasa na mapapatawad ni Bea Alonzo: “I really pray, I really hope she will find it in her heart”


Nagsalita ang aktor na si Gerald Anderson tungkol sa kanyang dating nobya na si Bea Alonzo.

Sa panayam sa kanya sa isang virtual interview kasama ang ilang artista para sa kanilang programa na “Init ng Magdamag” ay sinagot ni Gerald kung ano nga ba ang hiling niya para kay Bea.

Ayon sa kanya ay balang araw ay susubukan niyang kausapin si Bea at sa boyfriend nito ngayon na si Dominic Roque.

“More siguro kay Bea. Huwag na po tayo siguro mandamay ng ibang tao. I really pray, I really hope she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me. Nag-ho-hope lang ako.” sabi ni Gerald sa television host na si Boy Abunda.

Matatandaan na hindi naging maganda ang pagtatapos ng relasyon ni Gerald at Bea at naging puno ito ng kontrobersiya.

Pinaghinalaan pa ng mga netizens na ‘third party’ ang naging dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa at ang napagbintangan ay ang kasalukuyang nobya ng aktor na si Julia Barreto.

Samantala ay sinabi naman ni Gerald na handa niyang pakasalanan si Julia ngunit hindi pa sa ngayon dahil marami pang oportunidad ang naghihintay sa aktres.

“Siguro alam niyo kung ano ang isasagot ko diyan. Dahil siguro she’s still very young, and ang dami pa niyang mai-o-offer sa industriya natin, and ang dami niya pang ipapakita sa inyo, sa audience natin, ‘yung talent niya — ayaw kong maging hadlang doon.” sagot ni Gerald.

“If I had my way, of course. Kaso hindi pa kami quota.” dagdag niya pa.

Hindi pa nagbibigay ng tugon sa Bea tungkol sa mga sinambit ni Gerald tungkol sa kanya.


Humihingi ng Tawad? Gerald Anderson, umaasa na mapapatawad ni Bea Alonzo: “I really pray, I really hope she will find it in her heart” Humihingi ng Tawad? Gerald Anderson, umaasa na mapapatawad ni Bea Alonzo: “I really pray, I really hope she will find it in her heart” Reviewed by Pinoy Trends on August 20, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.