WATCH| Tatay Jimmy may mensahe kay Manny Pacquiao: “Hindi ka pa hinog sir Manny, Huwag mong Ipilit”


Isang matanda na nakapanayam ng vlogger na si Janice Llander ang nagpakita ng pagkontra sa plano ni Sen. Manny Pacquiao para sa susunod na taon.

Sa nasabing vlog ay kinausap ni Janice si ‘Tatay Jimmy’ na isa sa mga namamalagi sa Manila Bay tungkol sa kung ano ang opinyon niya sa mga aksyon ngayon ni Pacquiao.

Ilan sa mga ito ay ang planong pagtakbo ni Pacquiao sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno at ang tila pagiging kritikal nito sa kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay Tatay Jimmy ay hindi pa “hinog” si Pacquiao para maging lider ng ating bansa.

Sinabi din nito na mali ang ginawa niyang pakikipagbanggaan kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ang masasabi ko lang, sorry sir Pacquiao hindi ka pa hinog, hindi ka pa dapat tumakbo at kung tumakbo ka man ng Presidente ay hindi ka na nag comment ng mga kung ano ano,” ani Tatay Jimmy.

“Nakalkal tuloy ang pagkatao mo, papaano ngayon yan sir Pacquiao, basa ang papel mo, makakabangga mo pa ang Presidente, baka hindi ka pa akuin niyan at ilaglag ka,” dagdag niya pa.

“I’m just telling you the truth, kumbaga sa prutas hindi ka pa hinog, dapat nagpahinog ka muna bago ka umentra, look instead na tahimik ka nagulo ang buhay mo,”

Naniniwala ang matanda na dapat ay hindi na naglabas ng kung ano anong pahayag si Pacquiao dahil madami siyang maaring maging kaaway dahil sa kanyang ginagawa.

Hindi rin daw maibabalik ni Pacquiao ang kanyang reputasyon kahit na gumamit ito ng salapi niya kung masira man ito.

“Ang pera palamuti lang yan, pero pagkasira ng tao mahirap tabunan ng pera, ewan ko lang kung matatabunan mo ng pera ‘yung pagkasira ng pagkatao mo,” saad niya.

“Baka makalkal pati ang asawa mo, kakambal ng asawa mo, ‘yung mga anak mo damay damay, dapat inisip mo ‘yun sir Manny,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay mayroon ng 6,000 views ang nasabing vlog na kumakalat na ngayon sa ilang repost sa social media.


WATCH| Tatay Jimmy may mensahe kay Manny Pacquiao: “Hindi ka pa hinog sir Manny, Huwag mong Ipilit” WATCH| Tatay Jimmy may mensahe kay Manny Pacquiao: “Hindi ka pa hinog sir Manny, Huwag mong Ipilit” Reviewed by Pinoy Trends on July 14, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.