Maraming mga taga suporta ng ABS-CBN ang paggunita sa isang taon mula ibasura sa kamara ang Prangkisa ng ABS-CBN.
Matatandaan na nag resulta ito ng malawakang tanggalan ng mga nag tratrabaho.
Dahil dito nagpakita ng pagkakaisa ang mga taga suporta ng ABS-CBN para ibalik.
Kabilang sa mga sumu-suporta dito ay si Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary-General Renato Reyes Jr.
“Kaisa ang Bayan sa paggunita ng isang taon mula nang ibinasura ng Kamara ang prangkisa ng ABS-CBN na nagresulta sa malawakang tanggalan sa kumpanya at kawalan ng abilidad ng ABS-CBN na makapagbroadcast.
Ito ay ataka sa press freedom at karapatan na mamamayan.” Ayon kay Reyes
Sinabi ni ni Renato Reyes na ang pagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN ay tuwirang pag atake sa pamamahayan.
Hindi rin daw makakalimutan ng mamayan ang kasalanan ng Duterte Administration
“Ang pagbasura ng prangkisa ay tuwirang atake sa kalayaan sa pamamahayag. Atake din ito sa kabuhayan ng mga manggagawa.
Pagpapakita ito ng walang habas na tiraniya at pagkalasing sa kapangyarihan. Hindi makakalimutan ng mamamayan ang malaking kasalanan ng rehimeng Duterte.” Sabi ni Reyes.
Sinabi rin ni reyes na isang balakid si President Rordigo Duterte sa pagbabalik ng ABS-CBN
“Dapat mapagtanto na hanggang Duterte ang nakaupo sa Palasyo ay hindi mabibigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Ang pananatili nya sa pwesto lagpas 2022 ay ang isang balakid sa pagbabalik ng ABS-CBN. Hindi na mahihiwalay ang isyu ng pagpaplawig ng tiraniya sa pagpapasara ng ABS-CBN.” Ayon kay Reyes
GALIT NA? Renato Reyes may bwelta sa Pangulo "Duterte balakid sa pagbabalik ng ABS-CBN!"
Reviewed by Pinoy Trends
on
July 14, 2021
Rating:
No comments: