Tatakbo na Ba? Willie Revillame may pangako kanyang mga fans: “Wag kayong mag alala. Hindi ako kenkoy sa Senado.”


Matapos lumabas ang kanyang pangalan sa senatorial survey ng Pulse Asia ay nilinaw ng television host at negosyante na si Willie Revillame na hindi siya magiging ‘kengkoy’ kung siya man ay mahalal ng tao.

Sa isang video na ibinahagi ng “Wowowin-Tutok To Win” channel sa Youtube nitong Miyerkoles ay inihayag ni Kuya Wil na mayroon siyang sasabihin sa kanyang mga fans sa Agosto.

“Sa August mayroon akong malaking announcement sa inyong lahat. Ito po desisyon sa buhay para sa akin ito at para sa ating lahat. Sana po ay maintindihan niyo.” ani Willie.


Tila nagbigay din muli ng pahiwatig si Willie na talagang susubukan niya na makakuha ng pwesto sa Senado dahil kanyang pangako sa mga manonood.

“Huwag kayong mag-alala hindi ako kenkoy sa Senado. Hindi kami magkekenkoyan. Tutulong, gagawa ng paraan, gagawa ng batas sa mga taong nagugutom. Hindi po magpapatawa doon,” sabi niya.

Ngunit pinaalalahanan niya rin ang publiko na wag siyang pangungunahan dahil hindi pa naman siya nakakapagdesisyon.

“Hintayin niyo desisyon ko, ‘wag niyo ‘kong pangunahan. Ako ang nakakaalam kung ano ang gusto kong gawin,” saad ng television host.

“At kung ano man ang tatahakin ko, maniwala kayo sa akin, wala akong gagawing kawalangyaan sa inyo. Dahil wala sa isipan ko ‘yan. Kontento na ‘ko kung anong mayroon ako at masaya ako na magpasaya sa inyo,” dagdag niya pa.

Matatandaan na madami ang humihimok kay Willie na pasukin ang public service at isa na dito ang Pangulo mismo ng Pilipinas.

Inaasahan na mawawala pansamantala si Willie kung sakali man na magdesisyon siyang tumakbo para sa susunod na taon.


Tatakbo na Ba? Willie Revillame may pangako kanyang mga fans: “Wag kayong mag alala. Hindi ako kenkoy sa Senado.” Tatakbo na Ba? Willie Revillame may pangako kanyang mga fans: “Wag kayong mag alala. Hindi ako kenkoy sa Senado.” Reviewed by Pinoy Trends on July 15, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.