Galit Na? Award-winning actress Jaclyn Jose pumalag kay Kapamilya Director Andoy Ranay: “Hindi po kami basura, lahat pinaghirapan namin”


Hindi nagustuhan ng award-winning actress na si Jaclyn Jose ang mga pahayag ng ABS-CBN director na si Andoy Ranay.

Matatandaan na tila nagparinig si Ranay sa GMA-7 ang rival network ng ABS-CBN sa gitna ng usapin sa nabasurang prangkisa ng Kapamilya network.

Ayon kasi kay Ranay ay mas gugustuhin niyang magtrabaho sa ABS-CBN na bigong makakuha ng prangkisa kaysa sa ibang istasyon na may franchise nga ngunit “basura” naman daw ang trabaho.

Isa si Jaclyn na isang Kapuso sa mga pumalag sa nasabing pahayag ni Ranay at sinabi na nakakalungkot ang mga pahayag ng direktor.

Sinabi niya na lahat ng parte ng Kapuso network ay nagpapakahirap para makapagbigay ng maayos na programa sa mga manonood.

“Ang lungkot lang..mula pag pasok ng crew set up tent? Hanggang sa pag dating ngga artista at nagkukumahog to be ready? Sa set up nh dop, set dedigner, huhugot ang mga artista para ready at all times, maayos trabaho, pagod , pero masaya kadi alam namin nakagawa kami ng relevant scene for a day, pinag iisipan ng lahat kung ano ba ibibigay per sequence , lahat nag tr trabaho walng hanggang trabaho,” ani Jaclyn na nanalo bilang best actress sa prestihiyosong Cannes Film Festival dahil sa kanyang performance sa pelikulang Ma’Rosa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)


“Lahat ginawa ko 7 pinag trabahuhan ko?.pinag isipan ko , kahit ano pagod ginagawa namin makapgbigay ng maganda programa na hindi ( BASURA) .” dagdag niya pa.

“Lahat ng nasa production from E.p to A.p to p.a to all the members of the productio hanggang utilty wardrobe on point! Hanngang ang sa kuento artista director nag papawis nag papakahirap makagawa ng isang napakaganda panuurin….pinG hihirapan.po namin ang lahat ng lumalabas..hindi po kami ( Basura),”

Hindi man binanggit ng direktor ang GMA sa kanyang mga pahayag ay malakas ang kutob ni Jaclyn na ang kanyang network ang pinaparingan ni Ranay.

“@sandy_andolong_de_leon my nag sabi kasi na director na may franchise nga basura naman..( i think body of work) la naman may iba franchise na halata kung d 7,” sagot ni Jaclyn sa kanyang kaibigan.

Hindi naman sumagot si Ranay sa mga kritisismo na kanyang natanggap.

Nauna ng binatikos ng GMA-7 writer na si Suzette Doctolero ang mga pahayag ni Ranay at sinabi na nagbabayad sila ng tamang buwis kaya’t mayroon parin silang prangkisa.


Galit Na? Award-winning actress Jaclyn Jose pumalag kay Kapamilya Director Andoy Ranay: “Hindi po kami basura, lahat pinaghirapan namin” Galit Na? Award-winning actress Jaclyn Jose pumalag kay Kapamilya Director Andoy Ranay: “Hindi po kami basura, lahat pinaghirapan namin” Reviewed by Pinoy Trends on July 15, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.