PANOORIN: Hiling ng Namayapa na maging Masaya ang Kanyang Libing, Tinupad ng Kaanak ng Magpatugtog ng mga Tiktok Music sa araw ng Libing!


Viral sa social media ang ginawa ng mga ito sa libing ng kanilang mahal sa buhay. Dahil imbis na malulungkot na kanta at mga nagiiyakan, ay masasayang tugtog na maririnig lamang sa tiktok at mga nag sasayawan sila habang inihahatid nila sa huling hantungan ang kamag anak na namayapa.

Ayon sa mga kaanak ng namayapa ay ito daw ang kanyang huling habilin, na huwag daw gawing malungkot ang kanyang libing, kundi ay gawin daw nila itong masaya. Kaya bilang pagtupad ng mga ito sa kanyang kagustuhan at nais ay nagsayawan ang kanyang mga pamilya, kamag anak, at mga kaibigan sa mga sikat na tugtog sa tiktok habang buhat buhat at kabaong patungong sementeryo.

Kwento pa ng mga kamag anak ng namayapa ay noong nabubuhay pa daw ito ay palagi itong nag uupload ng video sa tiktok upang makapag pasaya ng mga tao doon. Kaya naman ay hanggang sa huli ay ganon ang kanyang nais na libing.


PANOORIN: Hiling ng Namayapa na maging Masaya ang Kanyang Libing, Tinupad ng Kaanak ng Magpatugtog ng mga Tiktok Music sa araw ng Libing! PANOORIN: Hiling ng Namayapa na maging Masaya ang Kanyang Libing, Tinupad ng Kaanak ng Magpatugtog ng mga Tiktok Music sa araw ng Libing! Reviewed by Pinoy Trends on July 14, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.