LOOK: Sobrang High tech! Motorista na dumaan sa bike lane, pinadalhan ng sulat ng MMDA


Isang netizen ang nagbahagi ng isang mensahe sa kanyang mga kapwa motorista na huwag ng subukan pang dumaan sa bike lane na inilagay sa kahabaan ng EDSA kahit na wala silang nakikitang traffic enforcer sa paligid.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni netizen Joed Ibong Medina ang liham na ipinadala sa kanya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos siyang mahuli na dumadaan sa bike lane.

Ayon sa “notice” na kanyang natanggap ay lumabag siya sa pagsunod sa mga traffic sign sa kahabaan ng EDSA.


Maliit lang naman ang ipinataw sa kanyang multa na nagkakahalaga lamang ng P150.

Nakalagay din sa nasabing notice ang litrato kung saan ay makikita si Medina habang tinatahak ang bike lane sa EDSA.

Inilagay din sa nasabing sulat kung paano mababayaran ng netizen ang kanyang multa.

May tsansa din naman niyang i-protesta ang kanyang nilabag sa pamamagitan ng Traffic Adjudication Board (TAB).


Umabot na ng libo libong shares ang nasabing post ni Medina.

“Sa mga kapwa ko Rider’s jan na mahilig dumaan sa BICYCLE LANE sa EDSA wag na kayong dumaan don baka mapitikan din kayo magugulat nalang kayo meron nalang biglang dadating sa bahay niyo ng NOTICE galing sa MMDA,” ani Medina.

May ilang netizen naman ang nagtataka kung paano nahanap ng MMDA si Medina.

Ngunit sagot naman ng kilalang traffic vlogger ay magkakonekta ang system ng MMDA at Land Transporation Office (LTO) na humahawak ng mga impormasyon ng mga motorista sa Pilipinas.

Sinabi din ng ilang netizen na dapat daw ay taasan pa ang multa sa mga lalabag sa bike lane.


LOOK: Sobrang High tech! Motorista na dumaan sa bike lane, pinadalhan ng sulat ng MMDA LOOK: Sobrang High tech! Motorista na dumaan sa bike lane, pinadalhan ng sulat ng MMDA Reviewed by Pinoy Trends on July 14, 2021 Rating: 5

2 comments:

  1. Why penalize this driver riding in his motor bike. Motor bike still considered a bike. Two wheels.

    ReplyDelete
  2. ok lang na mababa yung penalty para paulit-ulit nilang lalabagin yung batas at paulit-uli din silang magbabayad ng multa... may cash cows ang gobyerno...


    ReplyDelete

Powered by Blogger.