WATCH| Chavit Singson nangangalaiti na at may mensahe kay Manny Pacquiao: “Mag aral ka muna bago ka pumasok sa isyu!”


Tila nagkalamat na ang deka dekadang relasyon ni Senador Manny Pacquiao at Mayor ng Narvacan, Ilocos Sur na si Chavit Singson.

Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa dahil sa usapin sa tabacco tax increase kung saan ay ipinagmalaki ni Pacquiao na hindi niya pinagbigyan ang hiling ni Singson na huwag ng itaas pa ang buwis sa nasabing produkto.

Tabacco kasi ang isa sa mga produkto ng Ilocos region na balwarte ng mga Singson.

“Kinausap niya ako sa tabacco  tax increase, huwag ko daw ituloy, pero sabi ko pasensya ka na, bestfriend kita pero hindi kita mapagbibigyan.
Hindi naman basic commodities ang tobacco, ayaw ko nang magmahal pa ang presyo ng bigas at pagkain, dito na lang tayo magtaas (sa tobacco) bisyo naman ito,” pagmamalaki ng senador.

Hindi naman nakapagtimpi si Singson na kilalang malapit kay Pacquiao at laging kasama nito sa mga laban niya sa boxing.

Ayon kay Singson ay dapat munang aralin ni Pacquiao ang isyu dahil siyam na beses na diumanong itinataas ang presyo ng tabacco at maaring maapektuhan ng lubusan ang mga nagtatanim nito.

Daldal lang din daw ng daldal si Pacquiao kahit hindi naman daw nito masyadong inaral ang isyu.

Nagbigay din ng pahiwatig si Singson na hindi niya na susuportahan si Pacquiao bilang isang pulitiko.

“Maling mali siya diyan, hindi siya dapat pumapasok sa isyu na hindi niya alam. Siyam na beses na niyang itinaas ang buwis sa tobacco. Anything na sobra ay masama. Hindi niya alam balansehin,” paliwanag ni Singson.

“Mag aral ka muna bago ka pumasok sa isyu! Dahil dyan maliwanag suportado ko parin siya sa boxing, pero sa pulitika mag-aral muna siya.” dagdag niya pa.

Matatandaan na inuulan din ngayon ng batikos ang senador dahil sa kanyang mga pahayag laban sa kasalukuyang administrasyon.

Napapabalita ang pagtakbo ni Pacquiao sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno ngunit tila nasa alanganin ang tsansa na makakuha pa siya ng suporta kay Singson na kilalang maimpluwensiya sa Ilocos region.


WATCH| Chavit Singson nangangalaiti na at may mensahe kay Manny Pacquiao: “Mag aral ka muna bago ka pumasok sa isyu!” WATCH| Chavit Singson nangangalaiti na at may mensahe kay Manny Pacquiao: “Mag aral ka muna bago ka pumasok sa isyu!” Reviewed by Pinoy Trends on July 01, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.