LOOK: Manny Pacquiao may banat muli kay Pangulong Duterte: “Tulong ang hinahanap ng mga tao, hindi away!”


Hindi nagpatalo si Senador Manny Pacquiao kay Pangulong Rodrigo Duterte at tumugon kagad ito sa mga banat sa kanya ng kanyang kaalyado sa politika.

Matatandaan na pinuna noon ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati ang diumano’y pag atras sa laban ni Pacquiao sa kanyang boxing match.

“You know, when you are a champion in boxing, it doesn’t mean to say you are a champion in politics. He’s blubbering his mouth, tapos na. I am waiting for his word, for the next department that he will choose to investigate.” ani Duterte.


Sinabi pa nito na masyado na daw matanda si Pacquiao para lumaban sa boxing.

“Probably he knows that he is too old for that, and failing in his boxing career, kung matalo siya (if he loses), he’s a goner actually,” sabi niya.

Hindi din daw makapaghintay si Pacquiao sa opisyal na desisyon ng PDP-Laban.

Hamon pa ng Pangulo ay wag takbuhan ni Pacquiao ang kanyang trabaho sa Senado.

“Do not go anywhere, finish and find out the corruption that you are talking about.” ani ng Pangulo.

“Kung mag-report ka lang dalawa [beses] sa isang buwan, I would say that you are a s***. A s*** is a s***. Magtrabaho ka. Hiningi mo ‘yan, and’yan ‘yong mga papel, start investigating. Do not go elsewhere. Comply first with your duty as a senator… Huwag kang paabsent-absent.” dagdag niya pa.

Sagot naman ni Pacquiao, hindi daw away ang kailangan ng tao ngayon lalo na’t posibleng pumutok ang bulkang taal.

Hindi din daw siya umatras sa kanyang laban sa boxing.

“Sa gitna ng napipintong pagputok ng Taal Volcano, tulong at solusyon ang hinahanap ng ating mga kababayan. Hindi away.” ani Pacquiao.

“Tuloy ang aking laban at nakatakda akong umalis ngayong weekend para bigyan ng dangal ang ating bansa. Masaya ako kapag nagkakaisa ang lahat ng Pilipino para manood ng bawat laban ko,” dagdag niya pa.


LOOK: Manny Pacquiao may banat muli kay Pangulong Duterte: “Tulong ang hinahanap ng mga tao, hindi away!” LOOK: Manny Pacquiao may banat muli kay Pangulong Duterte: “Tulong ang hinahanap ng mga tao, hindi away!” Reviewed by Pinoy Trends on July 01, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.