BINATIKOS? Rabiya Mateo, nakatanggap ng malupit na komento sa mga netizens at tinawag na “talunan” sa pag uwi nito sa Pilipinas


Hindi nakaligtas sa maanghang na komento ang natalong kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe 2021 na si Rabiya Mateo.

Kanina ay nakauwi na ng Pilipinas si Rabiya matapos ang ilang linggo niyang pamamalagi sa Amerika.

Sa kanyang pamamalagi sa Amerika ay nangyari ang ilan sa mga kontrobersiya na kanyang kinaharap kasama na dito ang pakikipaghiwalay niya sa long-time boyfriend niya na si Neil Salvacion.

“THE QUEEN HAS ARRIVED!” ani ng GMA News na ibinalita ang pag uwi ni Rabiya sa Pilipinas.

Tinawag namang “phenomenal queen” si Rabiya ng Miss Universe Philippines Instagram page.

Ngunit tila hindi positibo ang komento ng ilang netizens kay Rabiya.

Sa ilang mga komento ay tinawag na “drama queen” at “best actress” si Rabiya dahil sa mga kontrobersiya na kinaharap nito.

Pinuna din ng isang netizen ang tila hindi pagpapakita ng suporta ni Rabiya sa mga local brands.

“While Catriona so highly supports everything local, this one naman looks like a walking US fashion magazine. Puro imported brands ang suot.” ani netizen Charitess Barlis.

“Tapos? Anong karangalan ang dala mo para sa pinas bakit ka sini sensationalized? Lol,” sabi pa ni Vss Dlsrys.

“Hehehe kawawa kana mn rabiya.. wala na amor sau ang mga tao.” sabi ni Oleusnab Heidi.


May ilan ding nagsabi na tila ‘feeling’ nanalo si Rabiya sa kanyang pag uwi sa Pilipinas.

Tinanong din ng ilang netizen kung dumaan din ba sa tamang protocol si Rabiya katulad ng ilang Overseas Filipino Worker (OFW) na umuwi sa Pilipinas.

“Sana yung mga OFW na stranded sa ibang bansa lalo sa UAE MAKA UWI NARIN.” sabi ng isang netizen.

Hindi naman nagbigay ng tugon si Rabiya sa mga komento ng netizens.

Matatandaan na top 21 lamang ang naabot ni Rabiya sa Miss Universe.


BINATIKOS? Rabiya Mateo, nakatanggap ng malupit na komento sa mga netizens at tinawag na “talunan” sa pag uwi nito sa Pilipinas BINATIKOS? Rabiya Mateo, nakatanggap ng malupit na komento sa mga netizens at tinawag na “talunan” sa pag uwi nito sa Pilipinas Reviewed by Pinoy Trends on July 01, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.