WATCH| Aljur Abrenica sinampal sa sariling Sinabi noon: “Ayokong magaya sa ibang artist na years after magpakasal naghihiwalay na”


Tila nangyari na ang kinakatakutan ng aktor na si Aljur Abrenica na magaya sa ibang showbiz couple na sa huli ay naghiwalay din.

Sa isang panayam ng pep.ph noong Enero 2017 ay makikita pa ang sweetness sa pagitan ng aktor at ng kanyang asawa na si Kylie Padilla na noong mga panahon na ‘yon ay hindi pa kinakasal.

Pinag usapan sa nasabing panayam ang diumano’y kawalang respeto ng management ni Kylie matapos nilang pangunahan ang pagbabalita ng engagement nila ni Aljur.

“Kahit kayo. Napangunahan kayo sa balita. ‘Di ba? Na dapat kayo ang unang maglalabas nito. Engagement kasi minsan lang nangyayari ‘yun sa buhay natin, e. ‘Di ba? Sa ating dalawa. Masaya ako na nangyari ‘yun,” kwento ni Aljur.

Dinagdag niya pa sa kwento na after niya mag propose kay Kylie ay sinubukan nilang tumira sa iisang bahay para malaman daw nila kung compatible sila sa isa’t isa.

Ayon kasi sa kanya ay ayaw niyang matulad sa ilang showbiz couple na naghihiwalay din matapos nilang magpakasal.

“We wanna know kung ano diba, we will get each other ano, eh, along diba. Dahil ayokong magaya sa ibang mga artists, pasintabi sa kanila, na after a couple of years, after nila ipakasal, naghihiwalay,” ani Aljur.

“Naging praktikal lang kami. Tiningnan namin. And then that’s the time na naramdaman ko ulit na kailangan ko mag propose ulit.” dagdag niya pa.

Matapos ang apat na taon ay inamin ni Kylie at Aljur na sila’y hiwalay na.

Nauna na itong ibisto ng ama ni Kylie na si Robin Padilla sa isang panayam kay Ogie Diaz at naniniwala ito na may ibang babae si Aljur.

Hindi naman malaman kung sino nga ba ang “third party” na binabangit ni Robin.


WATCH| Aljur Abrenica sinampal sa sariling Sinabi noon: “Ayokong magaya sa ibang artist na years after magpakasal naghihiwalay na” WATCH| Aljur Abrenica sinampal sa sariling Sinabi noon: “Ayokong magaya sa ibang artist na years after magpakasal naghihiwalay na” Reviewed by Pinoy Trends on July 09, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.