Good Samaritan? Angel Locsin pinuri ng mga Netizen matapos binigyan ng pera ang isang lalaki na umiiyak sa ospital


Maraming netizen ang muling humanga kay Angel Locsin matapos itong makita habang tinutulungan ang isang lalaki na umiiyak habang nakaupo sa ospital na pinuntahan ng aktres.

Sa video na ibinahagi sa Twitter ni netizen @dagamiRRT ay makikita si Angel habang nag aabot ng pera sa nasabing lalaki na diumano’y kulang ang pambayad sa ospital.

Makikita na tila sinimot ng aktres ang laman ng kanyang wallet, ngunit nagbiro pa ito na magtitira siya ng 20 peso bill dahil ito daw ay ‘pampaswerte’ niya.

Ayon sa netizen ay hindi siya makapaniwala na nakita niya ng personal ang kabutihang loob ng aktres.

“Yung bigla siyang lumapit sa tatay ng isang baby kasi naririnig niyang umiiyak. At pati kami ay nagulat sa actions ginawa niya. Myghaaad. Sana marami pang katulad niyo!!! Akala ko sa mga news ko lang makikita ganon eksena. Pero literal totoo. Huhu,” ani netizen @dagamirrt.

Umalis naman kagad ang aktres habang pinupuri siya at pinapalakpakan ng mga tao sa ospital.

Kahit sa social media ay inulan din ng magagandang komento ang aktres.

“An epitome of darna.. Matulungin ka talaga…. Pagapalain ka ng Panginoon ms. Angel,” ani @aj96647107.

“A Woman champion, a very good hearted person, God bless you miss @143redangel, a am a fan since darna days. Real life superhero.” sabi naman ni @primelexlegit.

“May the Lord bless you more and more Ms. ANGEL LOCSIN @143redangel you’re really an angel here on earth,” komento naman ni @faithmarif.

Likas na ang pagiging matulungin ni Angel at hindi ito nawawala kapag maraming tao ang nangangailangan ng tulong.


Good Samaritan? Angel Locsin pinuri ng mga Netizen matapos binigyan ng pera ang isang lalaki na umiiyak sa ospital Good Samaritan? Angel Locsin pinuri ng mga Netizen matapos binigyan ng pera ang isang lalaki na umiiyak sa ospital Reviewed by Pinoy Trends on July 09, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.