HINDI DAW TOTOO? Pinaghihinalaang “Third Party” sa relasyon ni Aljur Abrenica at Kylie Padilla itinanggi ang mga paratang!


Kumalat sa social media ang babae na diumano’y naging dahilan ng paghihiwalay ng aktor na si Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Matatandaan na sa panayam ng talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz kay Robin Padilla ay nalaman ng publiko na hiwalay na pala si Aljur at Kylie.

Naniniwala naman si Robin na may ibang babae na sangkot sa paghihiwalay ng kanyang anak na si Kylie at ni Aljur na hindi naman daw niya kayang batikusin dahil sa gawain niya din ito noong kabataan niya.


“Sinabi ko nga kay Kylie nung nag-usap kami, ‘Lalaki yang asawa mo. Pasalamat ka nga alam mong lalaki eh.’ Eh wala, hindi raw niya kaya,” kwento ng aktor.

Dahil dito ay iba’t ibang babae na nakasama ni Aljur sa litrato ay tila nadadamay na sa isyu kasama na dito ang aktres na si Cindy Miranda na kasamahan ng aktor sa pelikulang Nerisa.

Ilang netizen ang hindi nakatiis na tila paringgan si Cindy sa kanyang social media account at sinabi na sana’y hindi siya ang taong sumira sa pamilya ni Aljur at Kylie.


“Sana pure work lang kayo. Wag ka sana manira ng pamilya,” ani netizen iammartindq.

Sumagot naman si Cindy at sinabi na “professional” lamang ang relasyon nila ni Aljur.

“Yes. Very professional. I’m not the third party, thanks.” sabi ni Cindy.

Madami din naman ang nakapag sabi na imposibleng si Cindy ang dahilan ng paghihiwalay ni Aljur at Kylie dahil bago pa lamang daw umpisahan ang proyektong Nerisa ay nagkakalabuan na daw ang dalawa.


Sinabi naman ni Cindy na hanga siya kay Aljur dahil sa pagiging professional nito.

“First time kong makatrabaho si Aljur pero very professional po siya. Feeling ko, very safe ako so wala pong naging problema sa [aming] love scene.” saad ni Cindy.

“Nailang po talaga ako noong una, but he made sure na you’re safe with me. [He’s] very professional.” dagdag niya pa.

Samantala ay may isang babae na pinagkaguluhan sa social media dahil maaring ito na daw ang ‘third-party’ sa relasyon ng aktor at aktres.

Ngunit agad naman itong pinabulaanan dahil may asawa na pala ang babae na nasa litrato.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung sino nga ba ang babae sa likod ng pagkakalabuan ni Aljur at Kylie lalo na’t tila wala silang balak na ilabas ito sa publiko.


HINDI DAW TOTOO? Pinaghihinalaang “Third Party” sa relasyon ni Aljur Abrenica at Kylie Padilla itinanggi ang mga paratang! HINDI DAW TOTOO? Pinaghihinalaang “Third Party” sa relasyon ni Aljur Abrenica at Kylie Padilla itinanggi ang mga paratang! Reviewed by Pinoy Trends on July 10, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.