Tutulungan ng mga Netizen? Tricycle driver na si Angelito Martin na ipinakulong ng TikToker na si Hazel Edep, inulan ng suporta sa mga netizens


Nakatanggap ng suporta sa mga netizens ang tricycle driver na si Angelito Martin matapos itong ipahuli ng TikTok influencer na si Hazel Edep dahil diumano sa pangingikil nito.

Matatandaan na hinuli ng mga miyembro ng CIDG si Angelito dahil diumano humihingi ng 50,000 ang tricycle driver kay Hazel kapalit ng pagsasauli ng cellphone na napulot niya.

Ngunit ayon sa ilang kaibigan at kamaganak ni Angelito ay hindi totoo ang mga paratang laban sa kanya.

Sa ilang post sa social media ay sinubukang patunayan ng mga sumusuporta sa kanya na totoong mabuting tao si Angelito.

Ibinahagi ng asawa ni Angelito ang libangan daw nitong pagkanta kapag wala siyang magawa.

“Ito ang libangan ng asawa ko pag wala syang pasada,..ang kumanta ng kumanta napakabuti ng asawa ko un ung hinangahan ko s kanya at kaya ko sya mahal na mahal,miss n kita hon lalo n ung anak mo hon huwag kang mag alala hon ilalabas k nmen nila ate jan magpalakas ka jan at magpakatatag magdasal ka lang palage hon mahal na mahal ka nmen hon,”

Isang netizen naman ang ibinahagi ang mga text messages sa pagitan ni Angelito at Hazel na magpapatunay na wala talaga siyang kasalanang ginawa.


“Si Angileto Martin ay kagagaling palang sa hospital dahil na Istroke to anong Batas tayu meron bakit di muna nila siniyasat ng mabuti Guys bilang tulong natin sakanya ipakalat to upang mag ka hustisya naman.” sabi ni netizen Ace Godjan.

Kumalat din sa social media ang pagtitinda ng mga tsitsirya ni Angelito para magkaroon siya ng panggastos sa ospital.

Sa ngayon ay nakarating na sa programang Raffy Tulfo in Action ang nasabing isyu.

Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag si Hazel at hanggang ngayon ay pribado parin ang kanyang TikTok page.




Tutulungan ng mga Netizen? Tricycle driver na si Angelito Martin na ipinakulong ng TikToker na si Hazel Edep, inulan ng suporta sa mga netizens Tutulungan ng mga Netizen? Tricycle driver na si Angelito Martin na ipinakulong ng TikToker na si Hazel Edep, inulan ng suporta sa mga netizens Reviewed by Pinoy Trends on July 20, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.