WATCH| Arnold Clavio nagpapatama ba at tinawag nga ba si Sec. Salvador Panelo na isang ‘malaking butiki’


Kahit ang mamamahayag na si Arnold Clavio ay hindi nakatiis na magbigay ng kanyang komento sa billboard ni presidential legal adviser Salvador Panelo.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Arnold ang video na kuha habang siya ay bumibiyahe sa kahabaan ng Skyway Stage 3 sa Metro Manila.

Habang siya ay nasa biyahe ay nadaan niyan ang isang malaking billboard kung saan ay makikita si Panelo, katabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Panalo tayo ‘pag may pagbabago,” ayon sa nasabing billboard na nagpapaalala na maghugas ng kamay, magsoot ng mask at face shield.

Sabi naman ni Clavio ay nagulat siya sa kanyang nakita.

“Nagulat ako! Akala ko isang malaking ________ !! 🦎” ani Clavio.

Kahit ang kasamahan ni Clavio na si Connie Sison ay nagbigay din ng komento dito.

“Hindi ba?” sabi ni Sison.

Hindi naman nagbigay ng tugon si Panelo kay Clavio.


Isa Panelo sa mga posibleng pambato ng administrasyon para sa susunod na taon.

Maraming netizen ang kinutuban na maaring naghahanda na si Panelo sa kanyang pagtakbo dahil sa mga nagkalat ng billboard nito.

Ilan sa mga billboard at grupo na “Panelo sa Senado Movement” ay kinukumpirma ang posibleng pagtakbo ng kilalang abogado.

Matatandaan na nag viral ang pahayag ni Panelo na gusto niyang bigyan ng 10,000 kada buwan ang mga ina na piniling hindi na magtrabaho upang alagaan ang kanilang mga anak.

Binatikos naman ng ilan ang ideyang ito ni Panelo dahil tila imposible itong mangyari lalo na’t limitado lamang ang budget ng gobyerno.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)


WATCH| Arnold Clavio nagpapatama ba at tinawag nga ba si Sec. Salvador Panelo na isang ‘malaking butiki’ WATCH| Arnold Clavio nagpapatama ba at tinawag nga ba si Sec. Salvador Panelo na isang ‘malaking butiki’ Reviewed by Pinoy Trends on July 20, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.