LOOK: 86-Anyos na Lolo, Nakuhanan ng Litrato sa Kanyang Hospital Bed na Nakaluhod Habang Taimtim na Nagdadasal!


Sa panahon ngayon ay tila nakakalimutan na ng marami sa atin ang tumawag sa Panginoon. Siguro ay maaalala lamang na tumawag sa kanya sa panahong hindi na alam ang gagawin at lubha nang mabigat ang pasanin na dinadala. 

Ngunit, sa katunayan, ang pagdarasal ay hindi lamang sa paghingi ng tulong sa Itaas bagkus ay dapat na magpasalamat sa mga biyayang ipinagkakaloob niya at humingi ng tawad sa mga nagawang kasalanan.

Naging isang inspirasyon naman ang isang Lolo na nakuhanan ng larawan at makikitang nakaluhod sa kanyang hospital bed habang taimtim na nagdarasal.

Ayon sa uploader na si Nenita Dalde, nakuha ang larawang ito nang gabi bago ilipat si Lolo sa ICU. Ngunit, isang linggo lamang ang nakakalipas ay binawian na rin siya ng buhay. Ayon kay Nenita, parati umanong sinasabi sa kanila ni Lolo na gawin umano nila ang lahat ng bagay ng may karapatan at kaayusan.

Dagdag pa ni Nenita, kahit pa man hirap ng makatayo si Lolo ay nakaluhod pa rin umano itong manalangin. Kinilala ang Lolo na si "Ka Dalds" nanaging inspirasyon sa marami.

Marahil ay nasa mapayapang lugar na ngayon si Ka Dalds dahil sa kabutihan nito at malalim na pananalig niya sa Itaas. Nararamdaman na niya siguro na kukuhanin na siya ng Panginoon kaya kahit pa hiråp ay pinilit niyang lumuhod sa kanyang hinihigaan para magdasal.

Ang pagdarasal ay hindi sapilitang pinapagawa dahil ito ay desisyon ng tao. Marami sa atin ang nagsisimba ngunit hindi ginagawa ang mga salita ng Diyos at patuloy pa rin sa paggawa ng hindi maganda sa kanilang kapwa.

Nawa ang bawat isa sa atin ay maging katulad ni Ka Dalds na kahit pa nahihiråpan na ay hindi pa rin siya nakakalimot na tumawag sa Panginoon.


LOOK: 86-Anyos na Lolo, Nakuhanan ng Litrato sa Kanyang Hospital Bed na Nakaluhod Habang Taimtim na Nagdadasal! LOOK: 86-Anyos na Lolo, Nakuhanan ng Litrato sa Kanyang Hospital Bed na Nakaluhod Habang Taimtim na Nagdadasal! Reviewed by Pinoy Trends on July 19, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.