NINAKAWAN? RR Enriquez, nawalan ng pera matapos ipadeposit ang 2.3-M sa kanyang staff: “Ayaw kong magbintang”


Ibinahagi ng television personality na si RR Enriquez ang pagkawala ng ilang bahagi ng kanyang perang ipinagkatiwala sa kanyang mga tauhan.

Sa kanyang Instagram post, ikinuwento niya na inutusan niya ang kanyang staff na mag deposit ng 2.3-M sa banko.

Nagulat na lamang sila na kulang na ang perang ibinigay niya sa kanyang staff ng bilangin na ito sa banko.

“I am still contemplating if I will post this or not! But again if you know me, I’m the type of person na mahilig mag vent out! Why? Because alam ko na may sense ang mga post ko and may lesson madalas.

“So today I asked my staff to deposit a 2,380,000 pesos. Sorry I’m not bragging!! Gusto ko lang talaga ikuwento in detail.

“My driver brought the money (sealed sa box) picked up my staff and bring her to the bank.

“Pag dating ng bank, when the teller count the money sa machine. It’s 2,316,000 na lang. Nawawala ang 64thousand.

Ayon sa kanya ay hindi niya ugali na mambintang ng tao ngunit ilang beses niya daw inulit ulit bilangin ang pera bago niya ito iniabot sa kanyang staff.

Pinakapkapan din naman daw nila sa gwardiya ng bangko ang kanyang staff at driver ngunit bigo silang makita ang kulang na pera.

Ibinahagi niya rin ang ilang litrato at video na maari daw makatulong para malaman kung ano nga ba ang nangyari sa 64,000 pesos niya na nawawala.

Nilinaw naman ni RR na hindi sa kanya ang pera kundi pinatago lamang daw sa kanya.

May ilang netizens naman ang sinabi na dapat ay sa mas pinagkakatiwalaan niyang tao na lamang iniabot ang pera.

Umabot ng libo libong reaksyon ang post ni RR sa kanyang Instagram.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)


NINAKAWAN? RR Enriquez, nawalan ng pera matapos ipadeposit ang 2.3-M sa kanyang staff: “Ayaw kong magbintang” NINAKAWAN? RR Enriquez, nawalan ng pera matapos ipadeposit ang 2.3-M sa kanyang staff: “Ayaw kong magbintang” Reviewed by Pinoy Trends on July 19, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.