NASAMPAL? GMA writer Suzette Doctolero kay ABS-CBN Director Andoy Ranay: “May franchise kami kasi we pay our taxes!”


Tila hindi magpapa-api ang creative writer ng GMA-7 sa mga banat ng ABS-CBN director na si Andoy Ranay matapos itong magpasaring sa Kapuso network.

div>Sa nasabing panayam ay sinabi ni Ranay na napili niyang mag stay sa ABS-CBN dahil sa “world-class” ang quality ng mga palabas ng nasabing istasyon.

“The best part is the reason why I stayed and continue serving with ABS-CBN is because I believe the content that ABS-CBN is producing no matter what may franchise o wala is world class quality!”

“’Yun naman, so aanhin mo ang franchise kung basura naman ang trabaho, wow!  Ha-hahaha! Grabe! I mean di ba? 

“Parang mas masarap na lang magtrabaho kahit bawas ang suweldo, kahit hindi laging may trabaho pero alam mo na ‘yung quality ng trabaho ‘yung maibibigay mo sa audience mo ay in the service of the Filipino, we have responsibility to our audience. Kaya iyon ang ibibigay natin, hanggang dulo magkakasama tayo.” ani Ranay.

Hindi naman nagpatalo si Doctolero na kilala sa paglikha niya ng mundo ng Encantadia at sinabi na madaming sablay na proyekto si Ranay.

Isa na daw dito ang LGBT soap opera niya na pinaniniwalaan ng mga netizens na Till I Met You na pinagbidahan nila James Reid, JC Santos, at Nadine Lustre na umere ng limang buwan sa telebisyon.

Pinuna din nito ang tila rated SPG na approach ng kapamilya director sa kanyang mga proyekto.


Sa isa pang Facebook post ay sinabi ni Doctolero na mababaw ang pamantayan ng direktor kung tatawagin niyang “world class” ang mga palabas ng Kapamilya network.

Ayon sa kanya ay pare pareho lamang daw ng istorya ang mga palabas sa ABS-CBN at dinadaan lamang ito sa promotion.

“Ang world class, kapag itinampok Mo ang kwento, kultura at karanasang Pinoy, pero universal pa rin ang tema, kaya makakarelate ang mga banyaga. For example: Korean ts, at humahabol na ang thailand. Maski naman ang Indian ay may bollywood na talagang ang pagkakakilanlan ay sa kanila.” sabi ng manunulat.


Naniniwala si Doctolero na hindi pa natin kayang abutin ang “world class” quality na mga programa dahil kailangan din ng entertainment industry ng tulong mula sa gobyerno upang matupad ito.

Sa kanyang panghuling post para sa direktor ay inulit niya muli ang tila pare parehong tema ng mga show ng Kapamilya network.

“Pansinin na iisa ang molde ng mga show. Bidang breadwinner na mula sa mahirap na pamilya pero masaya sila kahit poor. Chummy family, Brady bunch concept. Tapos mame meet ang isang guy o girl na mayaman. Same same. Iba iba lang ang location. Baguio, Manila, Italy, Amerika, Timbukto, tralala. Pero Same kwento. Same problema. Malaki lang ang mga artista. Pero Pwede nga itong isulat na nakapikit. Haha.” sabi ni Doctolero.

“Tapos ipapackage na world class. Feeling ninyo naman na totoo. Mas mahal pa ang cost ng promo at trolls kesa sustansya ng content. Diyan magaling. Sa hype. Na sila ang magaling. Sila ang class. Sila ang api at inaapi.” dagdag niya pa.

Ipinagmalaki din ng manunulat na “malawak ang tema” ng mga kwento ng kanilang mga ipinapalabas sa telebisyon.

Tila pinatamaan din niya ang pagsasara ng ABS-CBN dahil sa diumano’y hindi nito pagbabayad ng tamang buwis.

“Ang sinasabi ko lang: hindi po kami ang totoong basura. And yes, may franchise kami. Kasi we pay our taxes…at yun ang totoong may class.” saad ng manunulat.


NASAMPAL? GMA writer Suzette Doctolero kay ABS-CBN Director Andoy Ranay: “May franchise kami kasi we pay our taxes!” NASAMPAL? GMA writer Suzette Doctolero kay ABS-CBN Director Andoy Ranay: “May franchise kami kasi we pay our taxes!” Reviewed by Pinoy Trends on July 13, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.