INILABAS NA? Herlene “Hipon Girl” Budol, nagpakita ng ebidensiya na siya ay hindi nabuntis ni Willie Revillame


Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Herlene Budol o mas kilala sa kanyang screen name na Hipon Girl matapos kumalat ang ilang balita na siya daw ay nabuntis ng kanyang boss na si Willie Revillame.

Sa kanyang Tiktok ay ipinakita ni Herlene ang isa sa mga pinakamatibay na ebidensiya na hindi siya nagdadalangtao sa ngayon.

Sa nasabing video ay ipinakita ni Hipon ang kanyang fit body at makikita na walang sign ng pagbubuntis ang kanyang katawan.

“Buntis pa more” ani Hipon sa kanyang Tiktok video.

Nagpakita pa siya ng isang video kung saan ay binanggit niya ulit ang salitang “buntis”.

Ngunit kahit tila nagpapakita na ng ebidensiya si Hipon ay may mga netizens parin na makulit at tinatanong kung buntis ba siya.

May ilan pa nga na sinasabi na may relasyon sila ni Willie, ngunit hindi naman ito pinansin ng komedyante at host.

Matatandaan na mismong si Kuya Wil na ang nagsabi na wala silang relasyon ni Hipon at lalong lalo na’t hindi niya ito nabuntis.

“Natsitsismis ho nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw. Hindi totoo ‘yan. Puro fake news ang ginagawa niyo,” ani Kuya Wil.

“Pati kay Kris Aquino. Mahiya naman kayo. Huwag kayong maniwala dyan. Pati mga taong nanahimik,” dagdag niya pa.

Ayon sa ilang pananaliksik ay mga taga ibang bansa ang gumagawa ng mga nasabing balita na inilalathala naman nila gamit ang ilang social media platform.

Hindi naman malaman kung gagawa ng legal na aksyon si Hipon at Kuya Wil laban sa mga nagpapakalat sa kanila ng maling balita.

@herlene_budolBUNTIS PA MORE ##fypシ ##fyp ##foryourpage♬ Baby Ko Si Pash Pash – guthrie


INILABAS NA? Herlene “Hipon Girl” Budol, nagpakita ng ebidensiya na siya ay hindi nabuntis ni Willie Revillame INILABAS NA? Herlene “Hipon Girl” Budol, nagpakita ng ebidensiya na siya ay hindi nabuntis ni Willie Revillame Reviewed by Pinoy Trends on July 13, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.