LOOK| Rendon Labador May Napakatinding Patama kay Robin Padilla “Mali na nga gagaya ka pa! T*nga ka ba?”


Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang viral interview ni Robin Padilla kay Ogie Diaz. Sa nasabing interview, isiniwalat ng beteranong aktor na hiwalay na ang kanyang anak na si Kylie Padilla at ang asawa nitong si Aljur Abrenica.
Ayon kay Robin, nahuli ni Kylie na mayroong babae ang kanyang asawa kaya winakasan na nito ang kanilang pagsasama.

Nang tanungin kung kinompronta ba ni Robin ang kanyang son-in-law, isa lamang ang naisagot nito. Ayon kay Robin, hindi niya kinompronta si Aljur lalo pa’t napagdaanan niya rin daw ang mga ginawa nito noong kabataan niya. Natatakot siyang mapahiya, kaya naman mas pinili ni Binoe na hayaan na lamang ang mag-asawa na ayusin ang kanilang gusot.



“Ano sasabihin ko kay Aljur? ‘G*go ka! Ba’t ka nambabae?’, (Baka) Sasabihin sa akin ni Aljur, ‘Bakit kayo, Pa, hindi ba kayo nambabae?’ Ayoko masagot nu’n! Ayoko. Mapapahiya ako,” dagdag pa ni Robin. Matatandaang noong kabataan ni Binoe ay na-link rin siya sa iba’t-ibang babae kahit pa mayroon na siyang partner.

Maraming netizens naman ang nag-react sa statement na ito ni Robin. May ibang naaawa sa kalagayan ni Kylie, dahil tila ba kinukunsinti di umano ni Robin ang ginawang pambababae ni Aljur.

Isa na sa mga napa-comment ay ang infamous social media influencer na si Rendon Labador, na mukhang hindi rin sumang-ayon kay Robin.


Ayon kay Rendon, lumalabas na parang tino-tolerate at pino-promote pa ni Robin ang ginawang mali ni Aljur. Dagdag pa nito, kahit pa nambababe si Robin dati ay kaya pa rin nitong pangaralan ni Aljur upang hindi maulit ang mga pagkakamali niya noon.

“Lahat naman tayo nagkakamali pero yung parang pino-promote mo pa na okay lang at normal lang yan, yun ang hindi tama. Kung ako sasampalin ko si Aljur. Sasabihin ko na ‘oo, nagkamali ako kaya huwag mong gayahin’. Mali na nga gagaya ka pa! T*nga ka ba,” pahayag ni Rendon.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.


LOOK| Rendon Labador May Napakatinding Patama kay Robin Padilla “Mali na nga gagaya ka pa! T*nga ka ba?” LOOK| Rendon Labador May Napakatinding Patama kay Robin Padilla “Mali na nga gagaya ka pa! T*nga ka ba?” Reviewed by Pinoy Trends on July 13, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.